Balita

Pateros, humirit ng ‘do-or-die’

- Ni Brian Yalung

GINAPI ng Taguig Generals ang Paranaque Green Berets, 84-78, para makausad sa susunod na round ng 2018 Metro League Open basketball championsh­ips South Division kamakailan sa San Juan Knights gymnasium.

Nanguna sa Generals si Jerry Lumongsod na kumana ng 23 puntos, habang tumipa si Richard Albo ng 12 puntos at walong rebounds.

Kumubra si Alfonso Rodriguez ng 17 puntos para sa Green Berets at humakot ng 14 puntos si Gwayne Capacio.

Sa second game, naipuwersa ng Isang Pateros ang do-or-die match kontra San Juan Big Chill.

Nagsalansa­n si Rickson Gerero ng 15 puntos, walong rebounds at apat na assists, habang humirit si Ariel Capus ng walong puntos at walong rebounds.

“Sabi lang sa akin ni coach, focus lang ako kasi masyado ako nanggigil. Kaya pagpasok namin nung second half, nag-focus kami sa defense and they ayun nakuha ko rhythm ko,” pahayag ni Gerero.

Magbabalik ang aksiyon ngayon sa San Andres Sports Complex sa Malate para sa North Division.

Haharapin ng Quezon City Junior Capitals ang Valenzuela Workhorses ganap na 5:00 ng hapon, habang magtutuos ang Manila All-Stars kontra Caloocan Supremos All-Star ganap na 7:00 ng gabi.

Tangan ng QC at Manila ang twiceto-beat advantages sa serye.

Iskor:

(Unang Laro)

Taguig 84 - Lumungsod 23, Albo 12, Mayo 10, Alcantara 10, Gilbero 10, Oliveria 6, Lontoc 5, Ajero 2, Dela Virgen 2, Ferriols 2, Cambaya 2, Almerol 0, Tiburcio 0.

Parañaque 78 - Rodriguez 17, Capacio 14, Dalaten 14, Encela 9, Labog 9, Villareal 3, Baguio 2, Danac 0, Partosa 0, Elorde 0.

Quartersco­res:

84-78. 15-22, 42-41, 64-51,

(Ikalawang Laro) Pateros (66) - Gerero 15, Capus 8, Lopez 8, Mabazza 8, Quinga 7, Mercado 7, Singontiko 7, Navarro 6, Brojan 0

San Juan (62) - Elarmo 12, Magbanua 10, Corpuz 8, Saret 8, Rosopa 7, Acol 5, Astrero 5, Jagunap 4, Dada 3, Paras 0

Quartersco­res: 10-20, 29-32, 48-44, 66-62

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines