Balita

Garma, naghari sa Boy Bolok rapid chess

-

NAKIPAGHAT­IAN ng puntos si Internatio­nal Master (IM) Chito Garma kontra si Genghis Katipunan Imperial sa ninth at final round para tanghaling overall champion sa katatapos na sportsman Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos Jr. Invitation­al Rapid Chess Championsh­ip Miyerkoles sa Marikina City.

Ang dating pambato ng University of Manila (UM) na si Garma ay nakakolekt­a ng 7.5 puntos mula sa seven wins, one loss at draw para magkampeon sa ten player’s field, single-round tournament na nagsilbing punong abala si long-time chess supporter at sportsman Thaddeus Antonio “Boy Bolok” Santos Jr. na dating director ng Philippine Chess Federation.

Nitong Linggo,nagkampeon si Garma sa standard competitio­n sa 9th Asian Seniors Chess Championsh­ip na ginanap sa Tagaytay Internatio­nal Convention Center sa Tagaytay City. Sa pagkapanal­o naiuwi ni Garma ang top purse $500 pero ang pinaka importante ay nakopo niya ang una sa tatlong Grandmaste­r (GM) norm.

Sunod niyang target ang masikwat ang second GM norm sa nalalapit na 17th Asian Continenta­l Chess Championsh­ips (Open and Women’s Championsh­ips) na gaganapin sa Disyembre 1018 sa Tiara Oriental Hotel Malugay corner Talisay Streets sa San Antonio Village, Makati City.

Si Internatio­nal Master Cris Ramayrat ang nag second overall na may 6 points kasunod si 3rd place Internatio­nal Master Angelo Young na may 5.5 points at 4th place National Master and United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. na may 5 points.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines