120 sultada sa World Pitmasters Cup Day-2
MAKARAAN ang maingay na pagbubukas kahapon, ang prestihiyosong 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derbyaymulingraragasangayonsa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila simula ika-11 ng umaga hatid ang ikalawa sa tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations tampok ang 120 bagong kalahok.
Minsan pa, ang mga breeder mula sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas na ang iba ay mula pa sa Cebu at Davao City ay dadagsa sa Manila upang saksihan ang tinaguriang pinakamatinding labanan ng mga pinakamagagaling na manokpanabong sa mundo at ibabandera ang mga pinakamatagumpay na gamefowl breeders ng bansa.
Huli sa dalawang World Pitmasters Cup Master Breeders Edition na pasabong sa taon ito tampok ang mga Bakbakan o Digmaan-banded na mga batang tinale, ang siyam na araw na tunggalian ay gaganapin mula Nobyembre 15 hanggang 25 na kapapalooban ng regular na 9-stag international derby na may entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 7-stag big event sa Nobyembre 18 na may entry fee na P220,000.
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang worldclass event na ito ay itinataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Eksperto at Thor.
Maghaharap sa ibabaw ng rueda sina Arman Santos, Cong. Patrick Antonio, Edr, Larry Amante / Atty Mendoza, Harold And Engr. Femie Medina, Dori Du, Engr. Jess/Fantastic Coliseum, Atty. Ed Santos, Edwin Lumbres, Allan Villegas/Tata Rey, Gary Tubianosa/Jay Soria, Alex Ty, Allan Syiaco/Brown, Art Atayde, Cris De Jesus\Fie City Boys, Engr. Tony Marfori, Magno Lim/Arnold dela Cruz, Raymond Dela Cruz. Willay R. Villaricar;
Mayor Max Roxas, Ramon Presa, Joey Salangsang, Procy , Joey Delos Santos , Bewee Chua, Jojo Alcobendez, John Paul Dizon, Boyet Plaza, Ape Yao, Jun Thomas, Frank Berin, Onnie Tan, John Capinpin, Albert Ramas, Edgar Enopia/Edgar Dizon/J. Gonzales, Je Marangloy, Nelson Dimalig, Riper, Atty. Manny Gragasined Ligon, Cong. Wacnang/Glen Sombilon, Dicky Lim/John Paul Punzalan, Wilson Lima Team, JM Fantastic, Mayor Cito Alberto, Ed Miranda, Pipo Soliman, Jun Roble, Marcu Del Rosario, Col. Katigbak, Cong. Peter Unabia, Gov Claude Bautista, Lito Cay/Raul Panisal, Mayor Alonte, Mayor Boyet Ynares, Miggy, Ojie Villangca, Ramon & Art Atayde;
Taddy Palma, Rene Medina, Vladimir Palis, Cong. JB Bernos, Bebot Roxas, John Capinpin, James Uy, Bernie Tacoy, James Tumulak, Mayor Wagan, Engr. Efren Canlas, All Can/JMW/Sl, Atty. H. Tubban, Dr. Rico Torres/Arnold Tacos/ Ogie Ambrion, James Siason / James Tumulak, Jonas Yao, Arnoll Manalo, Buddy Robregado/ Kenneth Liao/Boy Guinto, Toto Sevilla, Jojo Remigio/Nito DG/ Inri Caneza/Ampil Bros and Rey Tolentino among others.
Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.