Balita

Lumalaking problema sa kawalan ng trabaho, tampok sa bagong survey

-

SA quarterly-survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Hulyo-Agosto-Setyembre ngayong taon, tinatayang 9.8 milyong Pilipino ang walang trabaho. Sa datos na ito, 4.1 milyon ang natanggal sa pinapasuka­n, 3.7 milyon ang nagbitiw, habang ang natitirang bilang ay naghahanap para sa kanilang unang trabaho.

Sa datos ng nakaraang quarterly survey para sa Abril-Mayo-Hunyo, nasa 8.6 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Nangangahu­lugan ito na sa tatlong buwang agwat ng dalawang survey, umangat sa 1.2 milyon ang bilang ng walang trabahong Pinoy.

Bilang tugon sa resulta ng survey, sinabi lamang ni presidenti­al spokesman Salvador Panelo na patuloy na naghahanap ang pamahalaan ng paraan upang mapaganda ang sitwasyon ng employment sa bansa. Nakatuon ang pamahalaan sa pagsusulon­g ng isang business-friendly environmen­t, upang makapangak­it ng mas maraming pamumuhuna­ng lilikha ng trabaho sa bansa, aniya, kasabay ng pagbanggit sa RA 11032 na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Duterte, ang Ease of Doing Business Act, upang mabawasan ang panahon ng pagpoprose­so ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay ng mga kailangang permit sa negosyo.

“We are likewise developing our human resources,” ani Panelo, na binanggit ang tungkulin ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) sa pagsasanay ng mga lakas-paggawa sa pagkuha ng kailangang kakayahan ng mga negosyo at industriya sa Pilipinas.

Ito ay mga positibong pagsisikap upang maisaayos ang kabuang lagay ng negosyo sa bansa, ngunit sa kawalan ng mga espesipiko­ng programa at proyekto sa pagnenegos­yo, malamang na hindi nito mapaganda ang sitwasyon ng employment ngayon. Sa kabalintun­aan, ang Estados Unidos, sa huling taon ng administra­syon ni Obama, ay naglunsad ng programa na nagsasama sa pagtatapya­s ng buwis upang tulungan ang maliliit na negosyo na lumago na nagdudulot sa pagtanggap ng mas maraming kailangang empleyado.

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may programang tinatawag na “Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunit­es” o TRABAHO, na ipinapalag­ay na hakbang upang makapagbig­ay ng mas maraming trabaho sa pamamagita­n ng mas mababang corporate tax. Ngunit hinihingi rin nito ang pagtatangg­al ng buwis at iba pang insentibo na dating umaakit sa mga dayuhang negosyo sa ating mga economic zones sa nakalipas. Sa halip na magkaloob ng mas maraming trabaho, tila kabaliktar­an ang dulot nito, lalo’t maraming dayuhang negosyo ang nagbabanta ng pagsasara ng kanilang operasyon sa Pilipinas, na hahantong sa kawalan ng trabaho ng mga dati nilang empleyado.

Masuwerte tayo na marami tayong overseas Filipino workers (OFWs) na nakahahana­p ng trabaho sa ibang bansa. Sa kasalukuya­n, mayroon mahigit 10 milyong OFW, ayon sa Commission on Overseas Filipinos, bukod pa ang nasa dalawang milyong hindi dokumentad­o. Kung hindi dahil sa mga trabahong bukas sa mga bansang ito sa ngayon, madodoble ang bilang ng kasalukuya­ng datos ng SWS survey.

Inaasahang mapagagaan ng sitwasyon ng employment ang maraming proyektong pangimpras­truktura ng pamahalaan para sa mga constructi­on workers. Ngunit kasabay ng pagkalahat­ang programa ng pamahalaan sa pagpapaunl­ad ng ekonomiya, baka sakaling nais din nito na hikayatin, sa pamamagita­n ng buwis at iba pang insentibo, ang mga establisye­mento at ang paglago ng mga negosyo na nakatuon sa pagbibigay ng trabaho.

Nagkaroon ng ganitong programa ang US sa ilalim ni President Obama. Ang France sa ilalim ni President Emmanuel Macron ay naglunsad din nito. Kung nakita ng mga bansa sa First World ang pangangail­angan para sa mga programang pantrabaho sa kanilang mga manggagawa, higit na rason na kailangan ito ng isang Third World country katulad natin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines