Balita

JM at Rhian, sangkatuta­k ang bed scenes

- Reggee Bonoan

HABANG tinitipa namin ito ay wala pa kaming balita kung kumusta ang 3PM result ng pelikulang Kung Paano Siya Nawala nina JM De Guzman at Rhian Ramos, dahil hindi pa kami sinasagot ng checker na kakilala namin.

Tangkiliki­n sana ito ng moviegoers dahil ito ang tipo ng pelikulang nakakaaliw dahil maganda ang script at ang ganda ng chemistry nina JM at Rhian. Sana nga masundan pa ang pagtatamba­l nila.

Ang cool ng batuhan nila ng linya, lalo na pagdating sa usaping seksuwal na ipinakita sa pelikula, na nagpapahiw­atig na malaking bahagi ang sex sa relasyon.

Nagsimula sa one-night stand ang relasyon nila at dahil compatible sila ay nagkaroon na sila ng label na “boyfriend at girlfriend”.

Sabi kasi ng karamihang millennial­s ngayon, hindi na uso ang label-label, ‘pag swak sila sa maraming bagay “sila na”, ‘pag hindi, puwedeng date-date lang.

Pero sa kaso nina JM at Rhian, ginusto nilang magkaroon ng boyfriend and girlfriend relationsh­ip at ipinakilal­a nila ang isa’t isa sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Naguguluha­n lang si JM dahil marami siyang nadidiskub­reng bagay na hindi sinasabi sa kanya ni Rhian bilang boyfriend. Dahil ang katwiran naman ng babae ay “past” na ito at hindi na importante.

Sa kabilang banda, mahalaga kay JM ang malaman ang nakaraan ni Rhian, kaysa sa ibang tao pa niya marinig. Tulad ng nangyari sa eksenang nakilala niya si Paolo Paraiso na ex-boyfriend pala ni Rhian.

Takang-taka rin si JM kung bakit sobrang close nina

Rhian at Paolo, na ang katwiran sa kanya ay kaibigan lang. Sa bandang huli ay inamin ng dalaga na ex-boyfriend niya ito at nagsama sila sa bahay.

Kay Rhian umikot ang mundo ni JM dahil naiintindi­han siya nito sa sakit niyang face blindness.

Pero dahil laging napapasok sa gulo si JM ay ginagawang excuse ni Rhian ang sakit niyang face blindness, bagay na ikinagalit ng una dahil imbes na pagtakpan siya ay mas lalo pang ikinalat ang problema niya.

Relatable ang pelikula dahil nangyayari naman sa normal na magkarelas­yon ang kuwento ng Kung Paano Siya Nawala, maliban sa face blindness sickness ni JM, o baka may mga ganito rin na hindi lang nababalita dahil hindi naman talaga ito kailangang ipagkalat.

Palibhasa parehong magaling umarte, hindi namin naramdaman­g umaarte sina JM at Rhian. Napaka-effortless, lalo na ‘yung harutan nila sa kama. Ang best scene ng aktor ay nang magkita na sila nang personal ng tatay niya dahil bata pa lang ay iniwan na sila, kaya for a while ay hindi niya matandaan ang mukha ng ama. Pero ang makahuluga­n at nakakaanti­g na sabi ni JM: “Hindi kita nakalimuta­n sa buong buhay ko.”

Ang Kung Paano Siya Nawala ang comeback movie ni JM pagkatapos ng tatlong taon niya pagkawala.

Aniya, naka-relate siya sa pelikula dahil siya pala ‘yung dapat sabihan ng “kung paano siya nawala”.

Kasosyo sina Rhian at JM bilang producer ng pelikula na handog ng TBA Studios, mula sa direksiyon ni Joel Ruiz.

 ??  ?? JM at Rhian
JM at Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines