Balita

R1.30 bawas sa gasolina, R1.10 sa diesel

- Myrna M. Velasco

Gaya sa nakalipas na mga linggo, muling magro-rollback sa presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo, na sinimulan na kahapon.

Epektibo kahapon ng tanghali, nagtapyas ang Phoenix Petroleum Philippine­s Inc. ng P1.30 sa kada litro ng gasolina, habang P1.10 naman ang binawas sa kada litro ng diesel.

Bukas, Lunes, naman magpapatup­ad ng bawas-singil sa nasabing mga produkto ang Jetti Petroleum.

Karaniwan nang nagsusunur­an sa pagpapatup­ad ng oil price rollback—o maging taas-singil—ang iba pang kumpanya ng langis, at kadalasang Martes nagiging epektibo ang anumang price adjustment.

Ayon sa Department of Energy (DoE), ito na ang ika-16 na beses na tinapyasan ang presyo ng gasolina ngayong 2018, habang ika-17 beses naman sa diesel.

Kinumpirma naman ng DoE na mas marami pa ring pagkakatao­n na nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo sa 29 na linggo.

Simula Enero hanggang Nobyembre 17, tumaas ang presyo ng gasolina ng P18.20 kada litro, kumpara sa 16 na beses na rollback na mayroong kabuuang P15.60 ang binawas sa bawat litro. Sa kabuuan, tumaas pa rin ng P2.60 ang kada litro ng gasolina ngayong taon.

Para sa diesel, na ginagamit ng karamihan ng mga pampubliko­ng sasakyan, nasa P19.50 kada litro ang kabuuang itinaas nito, kumpara sa nirollback na P13.50. Sa tasa, may P6.00 kada litrong pagtaas sa diesel ngayong taon.

Bagamat 16 na beses nang natapyasan ang presyo ng kerosene sa kabuuang P12.82, nasa P19.25 pa rin ang nadagdag presyo nito ngayong 2018, o may P6.43 pagtaas kada litro.

Apat na beses namang na-rollback ang liquefied petroleum gas (LPG) sa P12.67 kada kilo, at pitong beses na tumaas sa P12.50.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines