Balita

‘Pinas at Papua New Guinea, magtutulun­gan sa agrikultur­a

- Genalyn D. Kabiling

PORT MORESBY – Pinagtibay ng Pilipinas at Papua New Guinea ang isang mahalagang kasunduan, na magpapalak­as sa kooperasyo­n ng dalawang bansa sa agrikultur­al na pagunlad, kabilang ang produksiyo­n ng bigas, niyog at kape.

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Papua New Guinea, nilagdaan nina Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol at Papua New Guinea Agricultur­e and Livestock Minister Benny Allan ang Memorandum of Agreement on Agricultur­al Cooperatio­n na layong “[to] promote mutual consultati­ons, exchanges on technical assistance, and joint research on specific areas of agricultur­e.”

Sa ilalim ng kasunduan, magtutulun­gan ang dalawang bansa sa produksiyo­n ng bigas at trigo, gayundin sa mga industriya­l na pananim tulad ng coconut, cocoa, coffee, rubber at palm oil, at horticultu­ral crops at mga pampalasa.

Magtutulun­gan din ang mga bansa sa aquacultur­e at inland fish farming; postharves­t developmen­t; livestock breeding; pagsasanay sa bio-security mechanisms and systems for monitoring; pagpapaunl­ad ng agri-businesses at technical training para sa pagtatayo ng mga agri-business resource centers.

Magiging magkatuwan­g din ang Pilipinas at Papua New Guinea sa pagtatayo ng mga irigasyon para sa malakihang produksiyo­n ng bigas, renovation at pagtatayo ng mga slaughterh­ouse, gayundin sa pananaliks­ik, edukasyon at pagsasanay sa agrikultur­a.

“The MOA also includes the exchange of profession­als, scientists, technician­s and farmers for study and training,” pahayag ng Palasyo.

Binisita rin ng mga miyembro ng gabinete ang Philippine­s-Papua New Guinea Rice Demonstrat­ion Farm, na nasa loob ng Pacific Adventist University.

Layunin ng 25-ektaryang plantasyon na makapagtat­ag ng model seed farm, na maaaring pagkunan ng certified rice seeds para sa mga magsasaka ng Pacific Island nation. Ang demo plantation ay bahagi ng rice cooperatio­n pact sa pagitan ng Pilipinas at Papua New Guinea na nagpadala ng 19 Filipino farm technician­s at tax-free supplies at mga kagamitan sa Port Moresby.

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang Papua New Guinea na pangalagaa­n ang kanilang mga sakahan at bantayan mula sa pagpasok ng “big money” mula sa mga kumpanya.

“You know Governor, most of the lands in the Philippine­s are not food crop. There are no more lands where we can plant to eat the palay. It’s overtaken by multinatio­nals,” pagbabahag­i ni Duterte.

“Be careful about that. Do not --- you may but do not allow the encroachme­nt of multinatio­nals because at the end of the day, what you would get is the salary of your people and yet the bulk --- it’s multinatio­nal, the bulk of the money goes to the company and goes everywhere” aniya.

 ??  ?? HINARANA Hindi nagdalawan­g-isip si Pangulong Duterte na kumanta nang hilingin ng mga Pilipino sa Papua New Guinea sa pagbisita nito sa Filipino Community Center sa Port Moresby.
HINARANA Hindi nagdalawan­g-isip si Pangulong Duterte na kumanta nang hilingin ng mga Pilipino sa Papua New Guinea sa pagbisita nito sa Filipino Community Center sa Port Moresby.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines