Balita

Lee sa US at China: Huwag n’yo papiliin ang ASEAN

- Argyll Cyrus B. Geducos

Umaasa si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong na hindi aabot sa puntong kinakailan­gang mamili ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagitan ng Estados Unidos at China kung hindi magkakaayo­s ang dalawang makapangya­rihang bansa.

Ito ang naging pahayag ni Lee sa isang post-Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit press conference sa Singapore.

Nagpahayag ng pangamba ang maliliit na bansa, kabilang ang Pilipinas, hinggil sa lumalalim na US-China trade war dahil maaari nitong masira ang supply chain integratio­n sa buong Asya.

Sinabi ni Lee na bagamat mabuti ang pagsulong ng China at ang “America First policy” ng US baka dumating sa punto na kailangang pumili ng papanigan ang mga bansa.

Isinusulon­g ng ASEAN ang paglikha ngChina-backedRegi­onalCompre­hensive Economic Partnershi­p (RCEP), isang 16country deal na kinabibila­ngan ng buong rehiyon ng ASEAN at China, Japan, South Korea, India, Australia, at New Zealand.

Sinasabing layunin ng RCEP na labanan ang “America First” agenda ng US, na nagpapataw ng mga taripa sa mga iniluluwas na produkto ng China sa US.

Bukod sa usaping ekonomiya, damay din ang China at US sa isyu ng South China Sea dahil patuloy ang pag-aangkin ng China sa halos lahat ng bahagi ng pinag-aagawang dagat, habang iginigiit ng US na walang anumang bansa ang nagmamay-ari sa mayamang dagat.

Gayunman, nagpahayag ng pagpapahal­aga si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. hinggil sa pagnanaw ng US sa South China Sea.

“I think as a concerned party, remember they have their own foreign policy. They have continuall­y stressed freedom of navigation. It’s important that we got their views and that they express them,” aniya.

“Sure it’s between us and the literal states of Southeast Asia, China, Japan, Korea, in Southeast Asia would be Vietnam, Philippine­s, the Southeast Asian countries that have a coastline. But again, they’re a major party. Not a major party but a protagonis­t in the area. So it would be nice to know what they feel about it, what they think about it,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sa ginanap na ASEANChina Summit, sinabi ni Locsin na walang natanggap na tugon si Pangulong Duterte mula China nang hikayatin ng Pangulo ang mga sangkot na bansa na ipatupad ang ‘self-restraint’ sa South China Sea upang maiwasan ang anumang tensiyon.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan nang tanggapin ng US at ng ibang mga bansa ang pag-aangkin ng China sa pinagaagaw­ang teritoryo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines