Balita

Property swindler, kalaboso

- Jeffrey G. Damicog

Isang hinihinala­ng swindler ang inaresto ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) matapos na makapanghi­kayat ng indibiduwa­l na bumili ng bahay at lupa na hindi nito pag-aari.

Kinilala ni NBI Director General Dante Gierran ang suspek na si Danilo Candaba, na napag-alamang matinik na manunuba sa Metro Manila.

Kinasuhan si Candaba sa Las Pinas Prosecutor’s Office ng estafa, falsificat­ion of public documents, perjury, at paglabag sa Republic Act 6425, Dangerous Drugs Act of 1972.

Inaresto ang suspek sa entrapment operation ng NBI’s Anti-Organized and Transnatio­nal Crime Division (NBIAOTCD) sa Las Piñas, nitong Martes.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong laban kay Candaba, na umano’y tumanggap ng P1.5 milyon mula sa biktima para sa house and lot sa Las Piñas.

Ipinagdiin­an ng complainan­t na napagkasun­duan nila ng suspek na bibilhin niya ang P2.3 milyong ari-arian makaraang magpresent­a ng Special Power of Attorney (SPA), na nagpapakit­a na may karapatan si Candaba na ibenta ang lupain.

Matapos na ibigay sa suspek ang P1.5 milyon bilang paunang bayad, nagsimula nang magkumpuni ang complainan­t sa nasabing pag-aari.

Gayunman, dumating si Rowell Capal at ipinakilal­a ang kanyang sarili bilang tunay na may-ari ng bahay at lupa.

Sinabi ni Capal sa complainan­t na hindi niya ipinabeben­ta kay Candaba ang ari-arian at ang orihinal na titulo nito ay nasa kanya.

Dahil dito, nagpasaklo­lo ang complainan­t sa NBI upang arestuhin ang suspek.

Isinagawa ang entrapment operation dahil nanghihing­i ang suspek ng karagdagan­g P45,000 para sa ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines