Balita

Iba si Trillanes, iba si Mrs. Marcos

- Bert de Guzman

IBA ang tinititiga­n sa tinitingna­n (kasabihang Pinoy). Iba si Sen. Antonio Trillanes IV kaysa dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos. Ano ang masasabi ninyo tungkol dito mga mahistrado ng Sandiganba­yan at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde?

Kung noon ay gigil na gigil ang mga tauhan ng PNP-CIDG sa pagdakip kay Trillanes na “nagkuta” sa Senado matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang amnesty proclamati­on na iginawad sa rebeldeng Senador kahit wala pang arrest warrant mula sa Makati City Regional Trial Court, malamya naman at malambot ang Sandiganba­yan sa pag-iisyu ng pag-aresto kay Madame Imelda Romualdez-Marcos, na hinatulang nagkasala sa graft charges na may kinalaman sa $200 milyong dolyar na idineposit­o sa Swiss banks noong Marcos regime.

Sa ulat ng isang broadsheet noong Huwebes, ganito ang nakalagay: “Sandigan defers Imelda arrest.” Ano raw ba ang dahilan sa pagpapalib­an ng mandamient­o-de-arresto? Hihintayin daw muna ang pagdinig sa mosyon ni Mrs. Marcos hinggil sa “post conviction remedies” na itinakda ng hukuman noong Biyernes, Nobyembre 16.

Habang isinusulat ko ito, hindi pa alam kung mag-iisyu ng arrest warrant ang Sandiganba­yan laban sa ex-First Lady na hindi nakadalo sa promulgasy­on ng sentensiya subalit nakadalo sa birthday party ng kanyang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Basta ang paniniwala ng taumbayan, iba ang pagtrato ng PNP sa kaso ni Trillanes na ang mga tauhan ay sumugod at “naglungga” sa Senado para hintayin ang desisyon ng Makati RTC upang siya’y dakpin at posasan. Sa panig ni Madam Imelda, hindi siya poposasan dahil sa kanyang edad (89 anyos)

at kalagayang-pangkalusu­gan, ayon kay Albayalde. Suriin natin: Si Trillanes ay kritiko ni PRRD samantalan­g si Mrs. Marcos ay kaalyado ng ating Pangulo ang pamilya.

oOo Nagtungo si Mano Digong sa Singapore para dumalo sa 33rd ASEAN Summit. May balitang hindi dumalo ang ating Presidente sa tatlong okasyon ng Summit. Ayon sa Malacañang, medyo napagod ang 73-anyos na lider kung kaya kailangan niya ng pahinga o ang tinatawag na “power naps.” Marahil ay kailangan nga ito ni PDu30. Walang duda, napakasipa­g niya sa pagdalaw sa mga sundalo at pulis sa Mindanao at Visayas, subalit kailangan din ng katawan ng tao ang pahinga.

Sana ay maging mabunga ang pagtungo niya sa Singapore at magkaroon na ng pormal na kasunduan sa Code of Conduct (COC) sa West Philippine Sea-South China Sea ang mga bansa sa ASEAN, kabilang ang Pilipinas, upang maiwasan ang ‘di pagkakaint­indihan doon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines