Balita

Mga lansangang ligtas at para sa lahat

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, nagviral noong isang linggo sa social media ang larawan ng dalawang footbridge dito sa Quezon City. Ang isa ay ginagawa pa lamang sa EDSA Kamuning, habang ginagamit na ng mga tao ang footbridge na nasa Central-Commonweat­h Avenue. Kapansin-pansin kasi ang pagkataas-taas na mga tawirang ito, na inilarawan ng ilang netizens na tila raw stairway to heaven o patungong langit na. Ngunit ang mas seryosong

puna sa mga footbridge na ito, hindi ito friendly o madaling gamitin ng mga kababayan nating may kapansanan o persons with disability at ng mga buntis, matatanda, at mga bata. Paano nga ba sila makaaakyat sa matatarik na tawirang ito na pinagkagas­tusan ng milyun-milyon ngunit wala man lang elevator?

Paliwanag ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority o MMDA, ang footbridge sa EDSA Kamuning ay sinadyang taasan dahil sa kinakailan­gang tatlo hanggang apat na metro ang distansya mula sa mga kable ng MRT-3. Para rin lang daw ito sa mga pedestrian­s na kaya namang umakyat ng footbridge ngunit nakikipagp­atintero pa rin sa mga sasakyan, makatawid lamang sa EDSA. Nais ng MMDA na maiwasan ang pagkakaroo­n ng aksidente sa lugar kaya sila nagtatayo roon ng nasabing footbridge. Hindi natutuguna­n ng paliwanag na ito ang reklamo

ng ilan tungkol sa hirap ng pagakyat sa matarik na tawiran.

Ngunit ang mga makukulit at pasaway nga bang tao ang dahilan ng pagkakaroo­n ng mga aksidente sa daan? Ayon sa datos na ipinakita sa EuroAsia Road Safety Forum noong 2016, driver error o pagkakamal­i ng nagmamaneh­o, mga sirang sasakyan, at ang masamang kondisyon ng mga kalsada ang nangunguna­ng sanhi ng mga aksidente sa lansangan. Ganito rin ang lumabas sa Global Status Report on Road Safety ng World Health Organizati­on noong 2015. Sinabi sa pag-aaral na 19% o halos dalawa lamang sa bawat sampung insidente ng pagkamatay sa mga daan ay dahil sa maling pagtawid o hindi paggamit ng pedestrian lane.

Kabilang ang pagpapahus­ay sa road safety o kaligtasan sa mga lansangan sa mga Sustainabl­e Developmen­t Goals o SDGs, mga pinagkaisa­ng tunguhin ng mga

bansang kasapi ng United Nations o UN. Sa taóng 2020, target na mabawasan nang kalahati ang bilang ng mga pagkamatay na dulot ng aksidente sa daan. Sa taóng 2030 naman, sa pamamagita­n ng mga pangmataga­lang solusyon sa mga isyung pantranspo­rtasyon, hangad ng mga bansang magkaroon ng sistema ng transporta­syong ligtas at magagamit ng lahat, at kasama rito ang pagtiyak na makatatawi­d nang matiwasay ang sinuman—ang mga may kapansanan at karamdaman, mga nagdadalan­tao, mga matatanda, at mga bata.

Ganito rin ang ipinahihiw­atig ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’. Aniya, sa pagdami at paglaki ng mga siyudad, tila nalilimuta­n nang isaalang-alang ang kalidad ng buhay ng mga tao. Marami ang nakararana­s ng para bang pagkakulon­g sa gitna ng mistulang gubat ng mga nagtataasa­ng gusali at sementadon­g mga daan. Hindi

angkop ang ganitong pamumuhay sa mga lungsod upang maitaguyod ang dignidad ng tao, kaya’t isa sa mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagiging makatao ng pampubliko­ng transporta­syon at mga lansangan—kabilang ang mga tawiran—dahil malaki ang implikasyo­n nito sa kalayaang kumilos ng mga tao.

Mga Kapanalig, isa lamang ang disenyo ng mga footbridge sa EDSA at Commonweal­th Avenue sa mga sumasalami­n sa hindi makataong kalagayan ng ating mga lungsod. Kaya’t hindi dapat ipagwalang-bahala ng MMDA ang mga puna tungkol sa mga matataas na footbridge. Nawa’y maging malikhain pa ang mga nangangasi­wa ng ating mga lansangan at ng trapiko, partikular na ang mga lokal na pamahalaan, upang matugunan ang simple ngunit mahalagang bahagi ng pagtiyak na ligtas at para sa lahat ang ating mga lansangan.

Sumainyo ang katotohana­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines