Balita

Zayn Malik, tinalikura­n na ang Islam

-

NAKAGUGULA­T ang rebelasyon ni Zayn Malik ngayong linggo dahil inamin niyang hindi na niya ikinokonsi­dera ang sarili bilang isang Muslim, ayon sa Yahoo Celebrity.

Ang kanyang mga isiniwalat tungkol sa relihiyon ay nahayag sa British Vogue interview kung saan ‘tila kinumpirma niya ang mga usapusap na tinakasan ni Taylor Swift ang mga paparazzi sa pamamagita­n ng pagtatago sa isang suitcase, at nagbahagi rin siya tungkol sa relasyon nila Gigi Hadid sa nasabing panayam. Ngunit aniya, iba na sila ngayon kumpara sa nakaraan.

“To be honest, I’ve never spoken publicly about what my religious beliefs are. I’m not professed to be a Muslim,” sabi ni Zayn, 25, na lumaking Muslim.

Nang tanungin kung tatawagin pa niya ang sariling Muslim ngayon, aniya, “No, I wouldn’t.”

“I believe whatever people’s religious beliefs are is between them and whoever or whatever they’re practicing,” lahad ni Zayn. “For me, I have a spiritual belief of there is a god. Do I believe there’s a hell? No.”

Sinabi rin ni Zayn na ang pag-uusap tungkol sa pananampal­atay “becomes a religious f***ing debacle of philosophe­rs.”

“I just want to keep it between me and whatever I believe. I feel like that makes me move through life in a nice way. If I behave well, I will get treated well. That’s it,” dagdag pa dating One Direction star. “I don’t believe you need to eat a certain meat that’s been prayed over a certain way, I don’t believe you need to read a prayer in a certain language five times a day. I don’t believe any of it. I just believe if you’re a good person everything is going to go right for you.”

Ang pag-alis sa kanyang relihiyon, aniya, ay “really easy” for him.

“With my mum and dad, they were always there to educate us — I did go to mosque, I did study Islam — but they gave us the option so you could choose for yourself,” patuloy pa niya. Ngunit inihayag naman ni Zayn na masaya siyang lumaki sa paniniwala sa mga prinsipyo ng Islam, at binanggit din ng interviewe­r na “softly and kindly” siyang nagsasalit­a habang pinag-uusapan ang paksa. Sinabi rin ni Zayn na, “There’s definitely beautiful parts to every religion.” Siyempre, maraming bumatikos kay Zayn sa social media dahil dito pero may nanatili pa ring loyal fans.

 ??  ?? Zayn
Zayn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines