Balita

3 DSWD USEC SINIBAK

Isa pa sa Gabinete, tanggal din

- Nina ZEA CAPISTRANO at GENALYN D. KABILING

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ng hapon ang tatlong undersecre­tary ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD).

Tinanggal sa puwesto sina Maria Lourdes Turalde-Jarabe, ng Office of the Undersecre­tary for Promotive Operations and Programs Group; Hope Hervilla, ng Office of the Undersecre­tary for Disaster Response Management Group; at Mae Fe Ancheta-Templa, Undersecre­tary for Protective Operations and Programs Group (POPG).

Nakatangga­p ang BALITA ng kopya ng liham ng Malacanang kay AnchetaTem­pla nitong Biyernes, na may petsang Nobyembre 14, at tinanggap ng opisina ng opisyal nitong Nobyembre 16. Pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing sulat.

Taong 2016 nang italaga sa DSWD ang tatlong opisyal.

Bago naitalaga sa DSWD, nagsilbi si Turalde bilang deputy secretary general ng Gabriela. Kabilang din siya sa mga nominee ng Gabriela sa Kongreso. Si Hervilla naman ay dating Bayan Muna regional chairman at naging nominee rin ng party-list noong 2013.

Si Ancheta-Templa ay inirekomen­da ni dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Matatandaa­ng ibinasura ng Commission on Appointmen­ts ang pagkakatal­aga ni Taguiwalo sa DSWD, at pinalitan siya kamakailan ni retired Philippine Army commanding general, Rolando Bautista

Kasabay nito, isa pang mataas na opisyal ng gobyerno na umano’y sangkot sa kurapsiyon ang sisibakin din ng Pangulo.

Sa speech niya kamakailan sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea, sinabi ni Duterte na sisibakin niya ang hindi pinangalan­ang opisyal pagbalik niya sa bansa ngayong Linggo ng umaga.

“Sinabi ko I will try to stop corruption... and when I go back, meron na naman. Talagang tanggalin kita, sorry na lang,” sabi ni Duterte nitong Biyernes ng gabi.

Nakatakdan­g dumating sa Davao City si Duterte ngayong Linggo ng madaling araw makaraang hindi tapusin ang tatlong-araw niyang pagbisita sa Papua New Guinea, kung saan siya dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperatio­n (APEC) Summit. Galing din siya sa Singapore para naman sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Sinabi ng Pangulo na ilan nang opisyal ng Gabinete ang sinibak niya dahil sa kurapsiyon, kabilang ang isang “lying” nang makausap niya sa Cabinet meeting.

“I fired a Cabinet member during a Cabinet meeting for lying. Alam mo may tinatanong ako sa kanya, ‘Did you consult your legal office?’ Sabi niya, ‘no’. Si Sonny naman itinulak niya ‘yung cellphone niya—‘yung cellphone mo. Nakalagay doon, ‘This guy is lying’,” kuwento ni Duterte. “So nag-init ang ulo ko because I should trust him. At saka maski na hindi ko kababata, nobody would foist a lie like that. Na nag-init ang ulo ko.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines