Balita

Barriga, aatake sa IBF title bout kay Licona

- Gilbert Espeña

PLANO ni Mark Anthony Barriga na maagang umatake kapag sumagupa siya kay Mexican Carlos Licona sa kanilang laban para sa bakanteng IBF minimumwei­ght crown sa Disyembre 1 sa Staples Center sa Los Angeles, California sa United States.

Kasalukuya­ng nagsasanay ang 2012 London Olympian na si Barriga sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite at naghahanda sa pinakamala­king laban sa kanyang buhay.

Magsisilbi­ng undercard ang laban nina Barriga at Licona sa depensa ni WBC heavyweigh­t champion Deontay Wilder ng US laban kay dating undisputed heavyweigh­t titlist Tyson Fury ng United Kingdom na ipalalabas sa pay-per-view ng USA Showtime.

“Kailangang umatake din siya,“sabi ng chief trainer ni Barriga na si Joven Jimene. “Hindi puwedeng sa depensa lang umasa.”

May kartada si Barriga na perpektong 9 na panalo, 1 lamang sa pamamagita­n ng knockout kumpara kay Licona na may 13 panalo na may 2 knockouts kaya hindi nagkakalay­o ang kanilang mga rekord.

Sinabi ni Jimenez na handang-handa na si Barriga sa loob ng 12 rounds kaya nagbawas na sila ng sparring.

“Nasa 8 rounds na lang kami ngayon,” diin ni Jimenez na nangangasi­wa sa karera ni Barriga kasama si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas. “Na-feel ko lumakas siya.”

Naging mandatory contender ng IBF si Barriga nang talunin si two-time world title challenger Gabriel Mendoza ng Colombia via 12-round unanimous decision noong nakaraang Mayo 13 sa SM City North Skydome sa Quezon City samantalan­g naging WBO Latino minimumwei­ght champion si Licona nang talunin sa puntos si world rated Janiel Rivera ng Puerto Rico noong Abril 7, 2018 sa Cancun, Mexico.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines