Balita

Pagkilala at papuri sa programang ‘Plastic palit Bigas’ ng Cavite

-

NAKATANGGA­P ng mga pagkilala at papuri mula sa mga residente at social media user ang proyektong waste reduction, na tinawag na “Plastic palit Bigas,” ng Sanggunian­g Kabataan ng Barangay Talon, Amedeo, Cavite.

Ibinahagi ni Barangay Talon SK village chair John Dexter Batino ang bugso ng mga reaksiyon mula sa mga netizens at lokal na mga residente sa kanilang bayan, matapos na mag-viral ang kanilang proyekto na may 47,000 likes, 66,000 shares at 12,000 komento sa Facebook.

Pinasalama­tan din ni Batino ang mainstream media para sa pagkilala sa kanilang proyekto, na itinampok pa sa isang top-rated television news program at talk show.

Sa kanyang pagbabahag­i, nagsimula ang proyektong “Plastic palit Bigas” waste reduction nitong kalagitnaa­n ng Oktubre nang hikayatin ng mga kabataang lider ang kanilang barangay ang mga residente na mangolekta ng kanilang mga plastic na basura upang maubos at mawala ang mga basura na nagkalat sa kanilang barangay.

Kabilang sa mga basurang ito ang mga wrapper ng “chichirya” (snack food) at candy, shampoo, ketchup, toyo, pakete ng suka, at mga lalagyang plastic.

“Huwag natin hayaan na pakalat-kalat lang sa kalsada ang ating mga basura. Ipunin at makakuha ng pang saing natin sa araw-araw,” pahayag ni Batino, at hinihikaya­t ang kanyang mga kabarangay na mangolekta ng plastic na basura.

Ayon kay Batino, hindi nila tinatangga­p ang mga plastic materials na naglalaman ng dehumidifi­ers dahil pinaalalah­anan na niya ang mga miyembro at volunteers na tanggapin lamang ang isang kilo ng malinis na plastic kapalit ng isang kilo ng bigas.

“Isa lang po ito sa mga responsabl­eng proyekto ng mga kabataan sa Barangay Talon,” dagdag pa niya.

“Kahit papaano, may maitutulon­g kaming mga kabataan sa government,” sambit ni Batino, bilang pagtukoy sa aktibong pakikilaho­k ng kanilang barangay sa waste reduction campaign.

Ikinatuwa rin ng kanilang konseho ang suportang ibinigay ng probinsyal na pamahalaan ng Cavite sa proyekto at ang pribadong kumpanya, na nangako na magbibigay ng mas maraming bigas nang malaman ang magandang inisyatibo­ng proyekto ng mga kabataan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines