Balita

LGBTQ, bida sa Int’l Pink film fest hanggang Linggo

- Nora V. Calderon

VERY successful ang opening night ng Quezon City Internatio­nal Pink Film Festival, na ginanap sa full-packed Gateway Cineplex last Wednesday evening. Special guests sina QC Vice Mayor Joy Belmonte at ang mga winners ng 2019 Queen of Quezon City from the LGBTQ group. Ang festival director ay si UP Professor Nick Deocampo.

Nasa Spain si Quezon City Mayor Herbert

Bautista para sa isang convention doon, kaya si Vice Mayor Joy ang nagbigay ng message at nag-open ng 2018 Internatio­nal Pink Film Festival.

Ipinangako ni Vice Mayor Joy na patuloy na magdaraos ang Quezon City government ng Pink Film Festival para ipakita ang kanilang suporta sa mga LGBTQ, at sana nga raw ay gayahin din ito ng ibang siyudad sa Pilipinas.

Pinarangal­an naman si Reynaldo “Oliver”

Villarama ng Natatangin­g Pink Film Award. Si Oliver ang gay icon of the 80s at female impersonat­or na bida sa Oliver, ang 1983 documentar­y movie na idinirek ni Prof Nick, at tumatayong director ng Pink Festival.

Ipinagkati­wala ni Oliver kay Direk Nick ang story niya para isalin sa pelikula ang buhay niya noong panahon ng martial law, para matulungan ang kanyang pamilya. Nakilala si Oliver sa pagganap niya bilang si Spider Man, bukod pa sa gumanap din siya bilang

Liza Minelli at Grace Jones.

Nawalan ng contact si Direk Nick kay Oliver at tamang-tama, after ng 25 years ay natunton niya sa Facebook ang icon, at ito nga ang ginawaran ng Natatangin­g Pink Film Award—na isa pa lang ang recipient bukod kay Oliver, si Direk Soxy Topacio.

Sumabay din ang pagbibigay ng award kay Oliver sa Philippine Documentar­y Centennial (1918-2018).

Full-packed ang Cinema 5 ng Gateway, na ang opening festival film ay ang 50 Years of Fabulous. Tatagal ang festival hanggang sa Sunday, November 25, kung saan itatampok ang internatio­nal features, Filipino features, internatio­nal short films, Filipino shorts, documentar­y shorts, student shorts, Asia-Pacific shorts, regional shorts, at UP Film Institure shorts. Closing film naman ang It Runs in

the Family, na idinirek ni Joella Cabalu. Mapapanood ang mga entries sa Gateway Cineplex, UP Cine Adarna at sa Cinema Centenario.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines