Balita

‘Glorious’ inilunsad sa TFC Online

-

IPINALABAS kahapon sa TFC Online (TFC.tv) ang talagang pinag-usapan at kaabang-abang na steamy film, ang Glorious.

Ang TFC Online ang official online platform ng The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN at ang pinakamala­king at most complete and up-to-date source ng high quality, libre at premium subscripti­on-based na binubuo ng mga serye at pelikulang Pinoy, sa labas ng Pilipinas.

Ang Glorious, na pinagbibda­han nina Angel Aquino at Tony Labrusca ay ang orihinal na pelikula na produce ng Dreamscape Digital na mapapanood lamang sa Pilipinas sa pamamagita­n ng iWant, ang bagong new contenton-demand digital app ng ABS-CBN, at sa labas naman ng bansa, ito ay mapapanood sa TFC Online.

Mapapanood sa trailer ng pelikula ang mapangahas na relasyon ng isang middle-aged woman at isang twentysome­thing man, na kaagad namang nakakuha ng atensyon mula sa milyung-milyong Pinoy. Napanood ang trailer nito ng 6 milyong beses sa araw na inlunsad ito at mayroon na itong mahigit 17 million views as of this writing.

Ngunit hindi lamang mga steamy scenes ang nakatawag ng pansin ng mga netizens, naging tampok din ang mga palitan ng opinyon online hinggil age gap sa mag relasyon at sa stigma na na kaakibat nito.

Isinulat at idinerihe ni Concepcion

Macatuno, ihahayag sa Glorious ang istorya ni Glory (Angel), isang 52-yearold brain tumor survivor na iibig kay Niko (Tony), ang lalaking mas bata sa kanya ng 30 taon.

Sa kasalukuya­n ay sila ang hottest Filipino reel couple sa showbiz.

 ??  ?? Tony at Angel
Tony at Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines