Balita

Justin at Hailey, umaming kasal na

-

MISTULANG kinumpirma na ni Justin

Bieber ang kanyang pagpapakas­al kay Hailey Baldwin. Nag-post ang pop singer ng larawan nila ni Hailey sa Instagram nitong Huwebes, November 15 at may caption itong, “My wife is awesome.”

Yup, totoo na nga talaga. Hailey Baldwin and Justin Bieber are 100 percent married, ayon sa Glamour.

Noong Hulyo, kinumpirma ng couple sa Instagram na engaged na sila, ngunit ‘di nila sinabi ang eksaktong petsa ng kanilang kasal. Noong mid-September, kumalat naman ang mga usap-usapan na kumuha na ng marriage license ang dalawa sa New York courthouse; gayunman, nag-post si Hailey sa Twitter kalaunan na hindi pa sila kasal.

Kahit si Ireland Baldwin, pinsan ni Hailey, ay hindi alam kung kasal na ang dalawa nang mga panahong iyon.

Noong Oktubre, ibinahagi ng isang fan sa Us Weekly na tinanong niya sina Justin at Hailey kung kasal na sila makaraang makita sa isang restaurant, at sumagot sila ng “yes.” Ito ay ‘tila kumpirmasy­on ngunit nanggaling pa rin ito sa source. Ang Instagram post ni Justin ang unang beses na isinapubli­ko ng dalawa ang kanilang marital status.

“Hailey I am soooo in love with everything about you! So committed to spending my life getting to know every single part of you, loving you patiently and kindly,” post ni Justin sa Instagram noong Hulyo nang kinumpirma niya ang engagement kay Hailey.

“I promise to lead our family with honor and integrity letting Jesus through his Holy Spirit guide us in everything we do and every decision we make.”

 ??  ?? Justin at Hailey
Justin at Hailey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines