Balita

Jessie J, ‘disappoint­ed’ na ikinukumpa­ra kay Jenna

-

NAG-POST ang Domino singer sa Instagram nitong Biyernes upang magsalita hinggil sa mga nagsulputa­ng headline kamakailan na ikinukumpa­ra siya sa ex ni Channing Tatum na si Jenna Dewan.

Kaswal na nagkomento si Jenna nitong linggo sa pamamagita­n pa rin ng post sa IG, ngunit mahaba ang komento ni Jessie tungkol sa kawalan ng positivity sa pagkukumpa­ra sa hitsura nila ng ex-wife ng kanyang napapabali­tang nobyo.

“I rarely, but sometimes see that my name is involved in stories online that I do not agree to. I often ignore them as 99 percent of the time it is something that doesn’t serve any positivity to speak on,” sabi niya.

“However there is a story I have seen be rewritten over and over again in the past few weeks that talks about myself being compared directly to another beautiful woman regarding our looks and people picking who they think is prettier.

“I am so disappoint­ed and embarrasse­d that my name is even involved. It’s not something I stand for, at all,” pagtutuloy ni Jessie, na nabalitang karelasyon ni Channing noong Oktubre.

Inihayag nina Channing at Jenna ang kanilang paghihiwal­ay noong Abril. Nagsampa ni Jenna ng divorce noong Oktubre.

Anyways, sabi pa ni Jessie, nag-aalala siyang makaapekto ang pagkukumpa­ra sa kanya at kay Jenna sa kabataang babae.

“I am a woman that supports ALL women. I am a woman that loves ALL women and will not stand quietly when the media is teaching young girls to constantly compare one another. Or to pick who they think is prettier,” sabi ni Jessie. “We are all BEAUTIFUL.”

Una rito, pahaging na nagsalita si Jenna tungkol sa isyu sa pamamagita­n ng pagre-reply sa mga komento ng fan na nagsabing walang nakikitang pagkakahaw­ig sa kanilang dalawa ni Jessie, at hinikayat niya ang aktres “(to) keep doing you.” “Positive vibes all the way,” reply naman ni Jenna.

Samantala, very “supportive” naman si Channing kay Jessie, lahad ng source kamakailan sa ET.

“Channing wants to do nothing but support Jessie J in every way,” sabi ng source. “He has described her as ‘all goodness’ and told his friends she is such ‘a super talent.’ He seems to have become her No. 1 fan. His friends are so happy he has found someone. She is showing the same support to him.”

 ??  ?? Jenna
Jenna
 ??  ?? Jessie J
Jessie J

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines