Balita

Chinese projects sa PH, bubusisiin

- Genalyn D. Kabiling

PORT MORESBY - Pinaplano ngayon ng Pilipinas na pagaralan ang mga proyekto nitong sinusuport­ahan ng China, kasunod na rin ng sovereignt­y concerns ni US Vice President Mike Pense.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, partikular na binibigyan nila ng pansin ang global infrastruc­ture program ng bansa na suportado ng Beijing para sa isang “win-win solution for everybody” upang maitaguyod ang pag-unlad at hindi maapektuha­n ang soberanya ng bansa.

“We have reviewed the Belt and Road agreement and quite frankly, I don’t think it’s opaque. It’s quite clear to me that this is a win-win-win situation for everybody and as to compromisi­ng sovereignt­y, I don’t see how that can be because you enter into it freely and it’s something that is quite transparen­t,” pahayag ni Dominguez nang sumalang ito sa panayam ng mga mamamahaya­g sa idinaos na regional summit sa Papua New Guinea.

“But again with those remarks, we will certainly review it again the Belt and Road agreement but essentiall­y, from our point of view, it will not compromise our sovereignt­y and it will be quite helpful to everybody,” pahabol niya bilang tugon sa naging babala ni Pence na mababaon lang ang Pilipinas sa utang sa China.

“We will review them and see whether it applies to us. It (pangamba ni Pence) may not apply to us at all,” sabi ni Dominguez. “When you somebody tells you, ‘Uy, baka ganito ito, eh ‘di pag-isipan ninyo’.”

Naniniwala naman si Dominguez na hindi maaapektuh­an ng soberanya ng bansa ang mga proyekto nito na pinondohan ng China.

Nauna nang nagbabala si Pence na hindi malinaw ang mga ibinibigay na pautang ng China sa mga umuunlad na bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines