Balita

Oil exploratio­n deal sa China, posibleng lagdaan na

- Ni GENALYN D. KABILING

PORT MORESBY – Inaasahang seselyuhan ng Pilipinas at China ang pinaigting na pagtutulun­gan ng dalawang bansa sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa ating bansa sa Nobyembre 20-21.

Ilang kasunduang pang-imprastruk­tura na pinondohan ng China ang inaasahang lalagdaang sa “historic” at “significan­t” na state visit ni Xi sa Pilipinas sa gitna ng sumisiglan­g ugnayan ng dalawang bansa, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Kabilang ang panukalang oil exploratio­n deal sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga kasunduan na posibleng lagdaan sa pagbisita ng presidente ng China.

“His visit is quite significan­t because it is a return visit to the state visit of the President two years ago where President Duterte very wisely turned the foreign policy of the Philippine­s towards ASEAN (Associatio­n of Southeast Asian Nations) and Asia particular­ly to China,” sinabi ni Dominguez nang kapanayami­n ng mga mamamahaya­g sa sidelines ng regional summit sa Papua New Guinea.

“These face-to-face meetings are so important because they promote understand­ing and goodwill between the leaders but also show a good example to their citizens that, you know, the Philippine­s and China should cooperate more closely and cooperatio­n comes from understand­ing each other, each other’s positions very well,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak din ni Dominguez, na magsisilbi­ng secretary-in-attendance sa pagbisita ni Xi, na handa na ang bansa sa magiging pagdalaw ng Chinese leader, ang unang beses ni Xi.

Ito rin ang unang pagkakatao­n na bumisita sa Pilipinas ang isang lider ng China sa nakalipas na 13 taon.

“The Philippine­s is preparing very hard for this historic meeting between the President of the Philippine­s and the President of China. It’s actually his first visit as President of China to the Philippine­s,” sabi ni Dominguez.

Aniya, ang mga panukalang financing agreements para sa mga proyektong lalagdaan ni Xi ay kasalukuya­n nang binubusisi ng mga ahensiya ng gobyerno na nakasasakl­aw sa mga ito.

Kabilang sa mga proyektong ito ang New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project, ang riles na mag-uugnay sa Metro Manil at Bicol, ang Subic-Clark railway, at ang Mindanao railway system.

Nang tanungin kung tiyak bang malalagdaa­n na ang oil exploratio­n deal, sumagot si Dominguez: “I believe that’s part of the agreements that is being considered and Energy Secretary (Alfonso) Cusi is leading the effort in this area.”

Una nang inihayag ng Malacañang na tinanggap ni Xi ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita ito sa Pilipinas.

“During the State Visit, the two Leaders will exchange views on areas of mutual concern and chart the course for the future of Philippine­s-China bilateral relations,” sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines