Balita

Rookie cop, nagbaril sa sariling mukha

- Mar T. Supnad

CAMP PRES QUIRINO, Ilocos Sur - Isang bagitong pulis ang nagbaril sa sarili matapos siyang mag-amok at mang-hostage sa Bantay, Ilocos Sur, kamakailan.

Paliwanag ni Ilocos Sur Police Provincial Office director, Senior Supt. Clint Bayacsan, hindi siya makapaniwa­la sa insidente na nagresulta sa pagkamatay ni PO1 Rolly Reotutar, 38, taga-San Sebastian, San Vicente sa naturang lalawigan.

“We don’t know yet how it happened. We are looking at the possibilit­y that he was mentally disturbed basing on accounts of personnel who have had conversati­ons with him and his previous records of administra­tive cases. We will be requesting help from our PNP health service for their psychologi­cal evaluation,” pahayag ni Bayacsan.

Sa paunang imbestigas­yon ng pulisya, naka-duty si Reotutar sa Ilocos Sur Police Headquarte­rs nitong Biyernes, dakong 5:20 ng hapon.

Bigla na lamang umano nitong kinuha ang isang M16 Armalite rifle at sumakay sa tricycle patungong Altamira Subdivisio­n sa Mira.

Pagdating sa lugar, biglang pumasok ang pulis sa bahay ng isang biktima sa pamamagita­n ng pagbasag sa salamin ng bintana nito at hinostage ang biktima sa loob ng banyo.

Kaagad namang niresponde­han ng mga pulis ang lugar na nabigla rin sa pagho-hostage ni Reotutar.

Tinangkang kumbinsihi­n ng mga pulis si Reotutar ngunit pinaputuka­n sila nito.

Nang makatakas ang kanyang hostage, kaagad na binaril ni Reotutar ang sariling mukha nito na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? 5-DAY TRUCK HOLIDAY Maayos na pumila ang mga truck sa itinalagan­g truck lane sa Katipunan Avenue sa Quezon City, kahapon. Upang kondenahin ang isinusulon­g na pag-aalis ng mga lumang truck, sinimulan na ng mga independen­t trucking group ang limang-araw na truck holiday ngayong Lunes.
ALVIN KASIBAN 5-DAY TRUCK HOLIDAY Maayos na pumila ang mga truck sa itinalagan­g truck lane sa Katipunan Avenue sa Quezon City, kahapon. Upang kondenahin ang isinusulon­g na pag-aalis ng mga lumang truck, sinimulan na ng mga independen­t trucking group ang limang-araw na truck holiday ngayong Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines