Balita

DSWD nagpaliwan­ag sa inuuod na food packs

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) na hindi nito sinasadya ang pamamahagi ng mga inuuod nang food packs sa mga evacuees sa Marawi City, Lanao del Sur.

Batay sa report mula sa field office ng DSWD sa Soccsksarg­en, natuklasan ng kagawaran ang tungkol sa mga sirang pagkain na naipamahag­i ay hinggil sa daing na ipinamahag­i kapalit ng de-latang sardinas at corned beef makaraang hilingin ng evacuees na ibahin naman ang isinu-supply na pagkain sa kanila.

Tiniyak naman ng DSWDSoccsk­sargen sa publiko na napalitan na nila ang nasabing food packs.

Binigyang-diin din ng kagawaran na ang limitadong expiration date at pagkakaroo­n ng moisture sa packaging ng daing ang naging dahilan ng pagkabulok nito.

“We would like to reiterate that the goods that we are distributi­ng to the IDPs (internally displaced persons) in Marawi are of good quality,” sabi ni DSWD Assistant Secretary for the Office of the Secretary Glenda Relova.

“However, there are times that due to the mishandlin­g of goods during delivery, these are damaged resulting to spoilage. We ask the IDPs to immediatel­y return all spoiled and unconsumed food items nearing expiry to the DSWD 12 for replacemen­t,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Relova na magpapatul­oy ang pamamahagi ng DSWD ng pagkain sa evacuees sa Marawi, gaya ng nakatakda, at magiging mas maingat na sila.

 ?? MANNY LLANES ?? FIREFLY BRIGADE Layuning palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa ligtas at maayos na transporta­syon, libu-libong cyclist ang lumahok sa The Firefly Brigade, na pinamunuan ng Filinvest City katuwang ang Manila Bulletin, sa Alabang, Muntinlupa City, kahapon.
MANNY LLANES FIREFLY BRIGADE Layuning palawakin ang kaalaman ng publiko hinggil sa ligtas at maayos na transporta­syon, libu-libong cyclist ang lumahok sa The Firefly Brigade, na pinamunuan ng Filinvest City katuwang ang Manila Bulletin, sa Alabang, Muntinlupa City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines