Balita

R148M para sa ospital ng South Cotabato

- PNA

NAGLAAN ang Department of Health (DoH) ng dagdag na P148 milyon para sa patuloy na pagpapalaw­ak ng Allah Valley Community Hospital sa Surallah sa South Cotabato.

Sinabi ni South Cotabato (2nd district) Rep. Ferdinand Hernandez nitong Biyernes na gagamitin ang pondo para sa pagpapatay­o ng dagdag na gusali at pasilidad, gayundin ang pagbili ng mga modernong kagamitan sa medisina.

Ayon kay Hernandez, layunin ng expansion na mapabilis ang pagpapalit ng pasilidad bilang rehiyunal na ospital para sa Region 12.

Nitong Oktubre 26, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11102 na nagpapalit sa Allah Valley Community Hospital sa Barangay Dajay, Surallah bilang Soccsksarg­en General Hospital.

Matagal nang isinusulon­g ni Hernandez, na may-akda ng batas, ang pagpopondo para sa pagpapalak­i ng ospital sa nakalipas na limang taon.

Ayon sa mambabatas, ang DoH, sa pamamagita­n ng Health Facilities Enhancemen­t Program nito ay nakapaglab­as ng nasa P160 milyong pondo para sa konstruksi­yon ng ilang pasilidad at pagbili ng mahahalaga­ng kagamitan para sa ospital.

Nasa P95 milyong halaga ng pasilidad ang nakumpleto at P50 milyong halaga ng proyekto ang kasalukuya­ng ipinapatup­ad. Dagdag pa ang P15 milyong halaga ng kagamitang pang-ospital na nakatakdan­g bilhin. “The additional P148 million is still to be carried out this year,” aniya. Para kay Hernandez, ang pagtatatag ng isang regional hospital sa Surallah ay isang malaking pagsulong para sa serbisyong pangkalusu­gan sa probinsiya.

“What was once only a dream will finally become a reality. This goes to show that with dedication and perseveran­ce, nothing is impossible,” pahayag ng mambabatas.

Pinuri rin niya si Pangulong Duterte “for approving this monumental law, giving importance to the improvemen­t of healthcare services in the country.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines