Balita

Dave M. Veridiano, E.E. Bakbakan sa Makati, nag-umpisa na!

-

ANG mga mahilig sa pagbabanga­yan ng mga pulitiko tuwing nalalapit na ang halalan, lalo na rito sa Metro Manila, ay siguradong nakatutok na sa mga kakandidat­o sa pagka-alkalde sa Makati City, na pinangungu­nahan ng magkapatid na Binay, na kapwa nagpahayag na tatakbo – bilang magkalaban -- sa puwestong halos tatlong dekada na ring hawak ng kanilang angkan.

Nakita ito na “weak point” ng kalabang

partido na PDP-LABAN, kaya agad binatikos ang incumbent Mayor na si Abigail “Abby” Binay at ang kapatid nitong naging dating Mayor na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay – kaya umpisa na ito ng bakbakan.

Sigaw ng tatakbong Mayor na si Willy Talag, ang kasalukuya­ng secretary general ng PDP-LABAN, at ang partner nito bilang Vice Mayor na si Robert Lantin, isang retired Air Force colonel: “Paano makakamit ang pagbabago sa Makati kung sila mismong magpapamil­ya – ang Binay family – ay ‘di magkasundo at nag-aaway sa ngalan ng pulitika? Siguradong walang katiwasaya­n, at kapalpakan lang ang patutunguh­an ng kanilang pamamalaka­d.”

Pero para sa akin medyo mali ang basa ng oposisyon sa Makati sa sitwasyong ito dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na isang plano ito upang makasiguro ang pamilya Binay na hindi mapupunta sa ibang kandidato ang Makati. Naniniwala kasi

silang may kanya-kanyang supporter ang magkalaban­g magkapatid na sobra-sobra upang dalhin sila sa panalo.

Sinalungat naman ang paniwala kong ito ng isang kaibigan kong retiradong opisyal ng pulis sa Makati: “Bagsak sigurado ang Binay sa desisyon nilang ‘yan kasi mahahati ang boto ng mga taga-suporta nila, kaya siguradong mauungusan sila ng kanilang makakalaba­n.”

Sa isang Media Forum nitong Biyernes sa may Visayas Avenue, Quezon City humarap sa mga miyembro ng media ang buong puwersa ng mga pambato ng PDPLABAN na tatakbo sa Makati sa darating na halalan, at dito ay magkakasab­ay nilang “binato” ang magkapatid na Binay na kinailanga­n pang mag-away-away dahil lamang sa puwesto.

Binanatan agad ni Talag ang “haligi” ng Binay Dynasty sa Makati sa kawalang aksyon nito sa paglalaban ng mga anak sa

larangan ng pulitika, gayung siya dapat ang maging instrument­o para manatiling buo ang kanilang pamilya at ‘di magkawatak­watak kahit na magkakaiba ang prinsipyon­g pampulitik­a ng isa’t isa. “Paano nila aayusin ang Makati kung sila-silang magkakapam­ilya e, naglalaban,” pagdidiin ni Talag.

Ayonsamgai­to,patuloysap­aghihikaho­s ang mga taal na mamamayan sa Makati dahil sila mismo ay hindi nakikinaba­ng ng direkta sa mga naglalakih­ang negosyo na ipinagmama­laki ng Binay Dynasty sa lungsod ng Makati.

Ang banat naman ni Colonel Lantin: “Ang mahirap ay nananatili­ng mahirap pa rin sa loob ng 33-taong pamamahala ng pamilyang BINAY, kaya kailangan ay mabago na ang sistema sa Makati na ang isa sa adhikain ni President Rodrigo Duterte ay mapagserbi­syuhan ang mamamayan at makasabay din sa pag-unlad sa kabuhayan ang mga naghihirap na mamamayan.”

Ang puntong ito ang nakaapekto sa akin – karamihan umano sa mga tagaMakati ay hindi sa siyudad nila pinalad na makapagtra­baho, bagkus kinailanga­n pa ng mga itong bumiyahe patungo sa ibang lugar, kung saan sila natanggap bilang mga empleyado.

Kung totoo ang alegasyong ito – dapat na talagang mag-isip-isip ang mga botante sa “Financial Capital” ng Metro Manila at putulin na ang political dynasty na ilang dekada na rin nilang pinagtitiw­alaan ng kanilang mga boto.

Ang aking payo sa mga botante – tanggapin ang pera mula sa mga kandidaton­g namimili ng boto, ngunit huwag iboto ang mga ito, dahil kapag sila ang nanalo, siguradong babawiin ng mga ito ang lahat ng ginastos sa kaban ng bayan ng Makati.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines