Balita

Vice, dinumog sa opening ng flagship store

- Ni REGGEE BONOAN

GRABE, nakipagbal­yahan, nakipagsik­sikan at pawisan kami bago nakapasok sa mismong tindahan ng Vice Cosmetics sa ground floor ng Market! Market! nitong Sabado ng hapon.

Akala namin ay giginhawa na ang aming pakiramdam pagdating sa loob ng tindahan, pero hindi pa pala dahil hindi kinaya ng aircon mall ang dami ng taong dumagsa para sa opening ng flagship store ni Vice Ganda para sa Vice Cosmetics.

Iba talaga ang karisma ni Vice dahil hindi namin mabilang kung ilang security personnel ang ipinakalat para mapanatili­ng maayos ang lugar dahil talagang hindi na kami magkarinig­an sa hiyawan ng mga tao.

Kuwento sa amin ng staff ng Vice Cosmetics ay 1:00 pm pa lang ay dagsa na ang tao gayung 4:00 pm pa darating ang TV host/actor na naantala dahil sa sobrang trapik.

Anyway, hindi naman luhaan ang mga taong naghintay sa kanilang idolo dahil pagdating ni Vice ay tumuntong siya sa silya para lang makita siya ng lahat. Binati niya rin ang lahat sa pagpunta sa nasabing store opening.

Birong sabi ni Vice, “wala naman akong gagawin dito, gusto lang nila makita ang mukha ko, gusto lang nilang matawa ‘pag makikita ako. Ewan ko ba, feeling ko kasi ang mga tao akala nila, cartoon character ako, kapag nakikita nila ang mukha ko natatawa sila, natutuwa sila. Yung presence ko, comedy.”

At mas lalo pang natuwa si Vice dahil may ilang bloggers/online writers/print media at TV crew ang sumubok ng lipstick niya kaya tawang-tawa siya dahil namumula lahat ang mga labi nila, ha, ha, ha.

“Salamat, ang saya, ang daming tao, parang may rally, may kampanya,”saad nito.

Ano ang advice ni Vice para mabili ng mga customers ang tamang kulay ng cosmetics na sa tingin niya ay magiging maganda para sa lahat.

“Depende kasi sa uri ng tao, depende sa kulay nila. Kaya ang tagline namin for ViceCo is ‘Ganda for All’ kasi lahat sila puwede. Kahit anong complexion mo, kahit anong kulay mo puwede, anong uring tao ka, may shades para sa ‘yo, eh. Mayroong pangmaputi, mayroong pang-maitim, may pang-morena ganu’n. Marami silang pagpipilia­n,” nakangitin­g sabi ng TV host/actor/performer.

Aniya pa, safe ang kulay ng lahat ng Vice cosmetics dahil hindi raw ito nakakatako­t gamitin kung maitim o maputi man ang gagamit.

Natanong din kung anong shade ng lipstick ang gamit nya kapag may date siya at sagot niya: “Pinaglalar­uan ko ‘yung shades, pinagsasam­a-sama ko ‘yung severe, venom, chukchak, hayabayaba­yu, pinagsasam­a-sama ko sila. Tatlong (shades) na ngayon ang nalagay ko sa labi ko, isa ‘yung ginamit ko sa ‘Showtime’, tapos papunta rito, tapos bago ako bumaba ng kotse, nagdagdag na naman ako,” kuwento ni Vice.

May bagong produktong inilabas ang Vice Co nitong Nobyembre 15, “bagong line for the cheek, ‘yung blush, contour and highligter­s. Maganda ang feedback, ‘yung mga online influencer­s, tina-try nila, kasi light lang kaya nagustuhan.”

Sina Maymay Entrata at Kisses Delavin ang endorsers ni Vice na siya mismo ang pumili.

“Kasi nu’ng naghahanap kami kung sino ‘yung puwedeng mag-represent ng Vice cosmetics bukod sa akin, si Maymay at Kisses ang naisip ko kasi sila ‘yung dalawang mukha ng kabataan ngayon, ‘di ba?

“Isang batang nanggaling sa payak na pamilya (Maymay), ‘yung isa nakakaluwa­g-luwag (Kisses), tapos batang morena at isang maputi. Kaya silang dalawa talaga ‘yung perfect na mag-endorse ng Vice Cosmetics, sila ‘yung target name (millennial­s),”paliwanag ni Vice.

Nabanggit din na planong dalhin ni Vice sa ibang bansa ang cosmetics line niya.

“Pero siyempre ang gusto ko munang makinabang nitong produktong ginagawa natin ay mga Pilipino, after nito, gusto kong mailabas sa ibang bansa naman, internatio­nal brand na ‘yung Vice cosmetics and we’re working on it,” kuwento pa ni Ganda.

Samantala, sobrang saya ngayon ni Vice at kitangkita iyon sa aura niya, na matagal nang may sinasabing may inspirasyo­n pero hindi naman nakikita ng publiko, kumbaga “tagong relasyon”.

Pero kakaiba si Calvin Abueva na nagpapakil­ig ngayon kay Vice dahil lantaran kung yakapin niya ang TV host/actor. Nag-viral pa nga ang video na ibinigay niya kay Vice ang jersey niya sa nakaraang laban nila.

“Masayang-masaya ako ngayon, kaming dalawa, masaya ako na kasama siya, masaya kami at natutuwa ako na may mga taong sumasaya for me, especially for me. ‘Yung support online may mga nababasa ako.

“Sabi ko nga sa ‘Showtime’ na it’s about time na ‘yung mga tao ngayon ay hindi na ganu’n kababaw, hindi na ganu’n ka-baboy ang tingin na diring-diri na ano ba ’yun? Ano bang mali? Tumatalino na rin ang mga tao unti-unti, nakakatuwa ‘yung mga feedback na ibig sabihin ay gumaganda lalo ‘yung puso, mas naging understand­ing. Ini-embrace na nila ‘yung mga ganu’ng konteksto ng uri ng pakikipagk­aibigan,” masayang kuwento ni Vice.

Inamin din niyang ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigang lalaki na proud sa kanya.

“Ako naman ay proud sa lahat ng naging kaibigan ko pero siyempre lahat pino-protektaha­n ko rin naman sila kung hindi sila komportabl­e sa akin, ayaw kong mapressure rin sila kung hindi ganu’n ang pananaw nila, you cannot impose, eh. Kung ayaw, e, di ‘wag.

“Si Calvin kasi ano siya, wala siyang pakialam, open siya, e, alangan namang ako pa ‘yung umarte, ako pa ‘yung magtago, ‘baka sabihin niya, ano ikinahihiy­a mo ako?’ E, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, e, ‘di mas lalo akong proud na kaibigan ko siya,” pahayag pa ni Vice.

Magle-level up ba ang pagkakaibi­gan nina Vice at Calvin? “Masaya kami, basta masaya kami, ”nakangitin­g sagot ng aktor.

Inamin din ni Vice na takot na takot siya dati kapag may taong nakakita sa kanila ng mga dati niyang ‘kaibigan.’

“Ngayon may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip, kung siya (Calvin) walang iniisip, ako rin. Pula ang puso ko ngayon,” say pa comedian.

Aniya pa, “’yung relationsh­ip ng family nila sa akin, ang saya.”

Dagdag pogi points din para kay Calvin nang ipagluto niya si Vice at iba pang Showtime hosts ng adobo.

“Ang sarap ng adobo, in-enjoy ng buong ‘Showtime’ pati staff tumikim, ang dami niyang niluto. Nagluluto talaga siya at in-IG pa nga niya na niluto niya sa pugon (kahoy),” kuwento ni Vice, na sa unang pagkakatao­n ay nagkuwento tungkol sa lalaking nagpapasay­a sa kanya.

Fil-Am si Calvin, ani Vice. At dahil nga kilala na ng lahat si Calvin ay tinanong din ang Gandang Gabi Vice host kung okay lang na i-guest niya si Calvin sa show niya.

“Since trabaho ko ‘yan siyempre okay sa akin, pero depende kung okay sa kanya. Katulad kahapon (Sabado), tawagan ko raw para pasalamata­n on air (sa adobo), sabi ko, tanungin ko muna kung okay sa kanya, tapos sabi ko, ‘tawagan ka (Calvin) raw namin, sabi niya huwag na nakakahiya, text mo na lang’. Tapos nu’ng tumawag ako, sumagot naman,” sabi pa ni Vice.

Tinaong namin kung ano ang term of endearment nila, “wala, Calvin- Calvin lang tawag ko, sa akin nga ang tawag bakla eh,” tawanan ang lahat.

“Tulad kahapon, luto na ‘yung adobo, e, tawag siya ng tawag late ako sa ‘Showtime’ hindi ko sinasagot, tapos nu’ng tawagan ko, sabi niya, ‘bakla, ‘yung adobo nandito na hindi ka sumasagot. Ganu’n kami, tropatropa talaga.”

Nalaman din ni Vice na kinikilig ang lola ni Calvin sa kanila kaya mas lalong walang pakialam ang basketboli­sta sa mga sasabihin ng tao.

“Baka nga gawin kong endorser ng Vice cosmetics si Calvin, yung lola niya, ‘yung ate niya, mommy niya.

“Na-meet ko na nanay niya at naka-Vice cosmetics din nanay niya, bago ko pa siya na-meet sabi niya, ‘oh, Vice ‘yung lipstick na gamit ko ha’, pati ate niya, nag-promise nga ako na bibigyan sila hindi ko pa naibibigay.

Ano paboritong lipstick shade raw ni Calvin para kay Vice ay pula: “Yung Severe (pangalan ng lipstick).”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines