Balita

Inakalang fire alarm, tunog pala ng parrot

-

Napasugod ang mga bumbero sa isang bahay sa England kung saan nagmula ang fire alarm, para lamang madikubre na parrot ang nasa likod ng nakaaalarm­ang tunog.

Ayon sa Northampto­nshire Fire and Rescue Service isang alarm monitoring service ang napatawag sa isang homeowner sa Windsor Close area ng Daventry, England, nang matanggap nito ang tumunog na fire alarm sa bahay.

Sinabi ng residente na walang sunog sa kanilang bahay, ngunit patuloy na naririnig ng operator ang tunog ng fire alarm sa background ng tawag kaya’t nagparespo­nde ito ng mga bumbero para imbestigah­an.

Dumating ang mga bumbero sa bahay at nadiskubre na ang tunog na narinig ng operator ay mula sa isang parrot na gumagaya sa tunog ng fire alarm.

“It certainly made the crew smile and although it was a false alarm because there was no actual fire, we were thankful that the householde­r -- and of his two parrots Jazz and Kiki -- were safe,” sinabi ni Watch Commander Norman James.

Ayon sa may-ari ng bahay nasi Steve Dockerty, 63, ang dapat sisihin sa tunog ng alarm ay ang African grey parrot nasi Jazz. Aniya, inampon niya ang 17-anyos na ibon para makasama ng kanyang isa pang parrot at nadiskubre na lamang niya ang kakaibang talento ni Jazz.

“He likes to imitate things. He imitated the smoke alarm so well that they called the fire brigade,” ani. “All the while, Jazz was sitting in his cage laughing his socks off.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines