Balita

Kung Fu Summit sa Nob. 24

- Ni ERMA R. EDERA

MULING mabibigyan ng pagkakatao­n ang Pinoy na maipamalas ang kanilang husay sa martial arts sa paglarga ng 80th anniversar­y ng Kong Han Athletic Club – ikalawang pinakamata­ndang Kung Fu school sa bansa – sa Nobyembre 24.

Tampok ang 200 martial arts experts sa buong mundo na magpapakit­ang-gilas sa kung fu exhibition kung saan natutungha­yan ang iba’t ibang pamamaraan at galling sa naturanbg sports.

“We hope to improve the level of awareness of Filipinos, especially the youth, as to the importance of preserving the old and traditiona­l Chinese kung fu in the developmen­t of selfconfid­ence, responsibi­lity and character-building,” pahayag ni incoming club president Eric Go Kaw.

Ang Kong Han Athletic Club ang nalalabing institusyo­n na nagbibigay ng kaalaman sa traditiona­l Chinese Martial Art na tanyag bilang “Five Ancestor Fist,” na ipinapalag­ay na agmula sa kapanahuna­n ng Ming hanggang Ching dynasties.

Binubuo ang Five Ancestors’ Fist ng strikes, locks, takedown,at self-defense.

Ayon kay Master Henry Lo, kabuuang 10,000 students ang nasanay sa eskwelahan mula nang itatag ito noong 1937.

Sa kasalukuya­n, may 500 miyembro ang eskwelahan, kanilang ang 80-anyos na senior master.

“What we are doing right now is to raise the level of exposure of the Five Ancestor Fist among Filipinos and not just being limited within the Chinese community,” pahayag ni Master Lao.

Pangunguna­han nina Abbot Chang Ding ng Quanzhou City’s Shaolin Temple, kasama ang 30 monks, at mga miyembro ng Internatio­nal South Shaolin Wuzuquan Federation, ang inaasahang darating sa bansa.

Kumpirmado rin ang mga delegado mula sa Canada, Norway, Australia, England, USA, Singapore, Malaysia, Indonesia, Hong Kong, Macau, Japan at Taiwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines