Balita

Comelec, pinag-iingat ang publiko sa ‘Poll Influencer­s’

-

KINONDENA ng Commission on Election (Comelec) ang napapaulat na may mga grupo na ginagamit ang ahensiya upang magbigay ng panlilinla­ng sa publiko hinggil sa kakayahan nilang maimpluwen­siyahan ang resulta ng automated elections sa susunod na taon.

Nagbabala ang Comelec sa publiko na huwag magpadala sa maling mga balita at iginiit na walang kapangyari­han ang sinuman na magdidikta sa resulta ng halalan maliban sa sagradong boto ng mamamayan.

“The Comelec forcefully reiterates that any person claiming to be able to influence the outcome of the elections, in exchange for whatever amount of money or other considerat­ion, is a scammer and a criminal,” pahayag ni Comelec spokespers­on James Jimenez.

Kamakailan, isang babae ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos ireklamo ng ilang local na kandidato na humihingi ng malaking halaga kapalit ng kasiguradu­han umano ng panalo dahil magagawa umano nito na mamanipula ang resulta ng Automated Election System (AES).

“The AES has been used since 2010, and the results have stood the test of time and scrutiny. No evidence has ever been presented that the results were wrong or tampered, simply because it cannot be done,” sambit ni Jimenez.

Iginiit ni Jimenez na tinututula­n ng ahensiya, maging ng mga kawani at opisyal, agyundin ang Commission­m en Banc, ang ano mang uri ng pangigipit, panloloko at pananamant­ala at uslong ang sariling interest sa pamamagita­n ng Comelec.

“All Comelec officials and employees join the entire Commission en Banc in condemning these claims, in the strongest possible terms, and vow to spare no effort in bringing all who make such spurious promises, to justice,” mariing paninindig­an ni Jimenez.

“The public is invited to report these scammers directly to us, through hotline numbers 5259294 and 5259296, or through social media @COMELEC on Twitter, and @Comelec.Ph on Facebook,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines