Balita

Azkals, angat sa Timor Leste

- Marivic Awitan

MAAGANG nakaiskor ng tatlong goals ang Philippine Azkals na nagawa nilang protektaha­n upang maiposte ang 3-2, panalo kontra Timor Leste para manatiling walang talo sa Group B ng idinaraos na AFF Suzuki Cup nitong Sabado ng gabi sa Malaysia.

Umiskor ng tig-isang goal sina Phil Younghusba­nd, Martin Steuble at Carli de Murga bago pinakaba ng Timor Leste ang mga Pinoy pagkaraang magtala ng dalawang sunod na goals sa loob lamang ng tatlong minuto.

Naipasok ni Younghusba­nd ang unang goal ng Azkals sa 27th minute.

Limang minuto kasunod nito ay naitala naman ni Steuble ang sumunod na goal mula sa kanan sa labas ng box matapos ang short freekick ni Kevin Ingreso para sa iskor na 2-0 sa halftime.

Si Ingreso din ang pumasa kay De Murga na nakaiskor ng third goal sa 68th minute.

Ngunit, nakaramdam ng kaba ang Azkals nang umiskor si Nataniel Rais mula sa penalty sa 73rd minute para sa Timor Leste na nasundan pa ng isa galing kay Joao Pedro pagkarasn ng dalawang minuto.

Suwerte namang nakabalik sa kanilang depensa ang Azkals upang mapangalag­aan ang nalalabing kalamangan para mapanatili ang kanilang pangingiba­baw kasalo ng Thailand na kaparehas nilang may 6 na puntos.

Nauna ng nagwagi ang Thailand na nakatakdan­g makasagupa ng Azkals sa Panaad Stadium sa Bacolod City sa Martes kontra Indonesia, 4-2.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines