Balita

AUV, NAG-DIVE MULA 3RD FLOOR

Driver na biyenan ni Sen. Poe, sugatan

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Sugatan ang 83-anyos na biyenang lalaki ni Senator Grace Poe-Llamanzare­s makaraang mahulog mula sa elevated parking space ng isang shopping mall sa Barangay Greenhills, San Juan City ang kanyang minamaneho­ng Asian utility vehicle (AUV), kahapon ng umaga.

Isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Dr. Teodoro Paraiso Llamanzare­s, residente ng Northeast Greenhills, San Juan, upang malapatan ng lunas.

Batay sa paunang ulat ng San Juan City Police, dakong 9:45 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa third level ng Parking 4, sa harapan ng Greenhills shopping mall sa Promenade.

Minamaneho ng biktima ang itim na Toyota Innova (AHA-8024) at paparada pa sana nang bigla na lang umanong umarangkad­a ang sasakyan hanggang sa tuluyang lumusot sa bakal na railing ng parking space, at nahulog sa kalsada, sa harapan ng mall.

Unang tumama sa sementadon­g kalsada ang unahang bahagi ng sasakyan, saka ito bumagsak nang patihaya.

Nagkayupi-yupi ang AUV dahil sa taas ng pinagbagsa­kan nito, habang sira rin ang mga bakal na rehas ng parking space na nilusutan ng sasakyan.

Kuwento ng mga nakasaksi sa insidente, nagulat sila sa lakas ng pagbagsak ng sasakyan sa kalsada, at inakala pa nga nila noong una na may bombang sumabog sa lugar.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng San Juan Police Community Precinct 1 (PCP-1) at ang management ng mall at isinugod sa pagamutan si Llamanzare­s.

Kinumpirma naman mismo ni San Juan City Police chief, Senior Supt. Dindo Reyes, na biyenan ng senadora ang biktima, ama ni Neil Llamanzare­s.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa emergency room pa ang biktima, bagamat stable na ang kondisyon nito, ayon kay Senior Supt. Reyes.

Mag-isa lang sa sasakyan si Llamanzare­s nang mangyari ang aksidente, at masuwerten­g walang tinamaan o nabagsakan nang nahulog ang AUV sa harap ng mall.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung human error o mechanical failure ang dahilan ng insidente.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? UNA NGUSO! Nahulog mula sa elevated parking space ng isang shopping center sa San Juan City ang Toyota Innova na minamaneho ng 83-anyos na biyenan ni Senator Grace Poe-Llamanzare­s na si Dr. Teodoro Llamanzare­s, kahapon ng umaga. Kaagad na nadala sa ospital ang biktima.
ALVIN KASIBAN UNA NGUSO! Nahulog mula sa elevated parking space ng isang shopping center sa San Juan City ang Toyota Innova na minamaneho ng 83-anyos na biyenan ni Senator Grace Poe-Llamanzare­s na si Dr. Teodoro Llamanzare­s, kahapon ng umaga. Kaagad na nadala sa ospital ang biktima.
 ?? ALI VICOY ?? HINDI DESERVING? Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta ang ilang militanten­g grupo sa harap ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kasabay ng ikalawang anibersary­o ng kontrobers­iyal na pagkakahim­lay doon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
ALI VICOY HINDI DESERVING? Nagsagawa kahapon ng kilos-protesta ang ilang militanten­g grupo sa harap ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, kasabay ng ikalawang anibersary­o ng kontrobers­iyal na pagkakahim­lay doon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines