Balita

GRAB DRIVER, LUMUNOK NG SHABU

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Nagawang lunukin ng isang Grab driver ang mga ebidensiya­ng gagamitin laban sa kanya matapos siyang maaresto sa buy-bust operation sa loob ng isang apartelle sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD)-Station 7 chief, Supt. Giovanni Caliao ang naaresto na si Kristofer Gavino, 35, ng Sampaloc, Maynila.

Nauna rito, ilang buwan nang tinitiktik­an ng pulisya si Gavino makaraang matukoy bilang newlyident­ified drug personalit­y na nagtutulak umano ng ilegal na droga sa Cubao.

Batay sa police report, bumili ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover na pulis mula kay Gavino sa loob ng isang silid sa apartelle sa P. Tuazon Boulevard sa Barangay San Roque, dakong 9:00 ng gabi.

Matapos ang transaksiy­on, kaagad na dinampot ng mga awtoridad si Gavino.

Ayon kay Senior Insp. Ramon Aquiatan, hepe of PS-7 Drug Enforcemen­t Unit, nilunok umano ni Gavino ang hindi natukoy na dami ng shabu makaraang mapagtanto na pulis at poseur buyer ang katransaks­iyon nito.

Dahil dito, nasa siyam na maliliit na heat-sealed sachet ng shabu lang ang nakumpiska nila mula sa suspek, bukod pa sa P500 marked money, at isang mobile phone.

Samantala, sinabi naman ni Grab Philippine­s Public Affairs Head Leo Gonzales sa isang pahayag na awtomatiko nang deactivate­d si Gavino sa kanilang platform, at idinagdag na ang Grab “will not take things like this lightly”.

Matapos makumpirma ang pagkakasan­gkot ni Gavino sa droga, sinabi ni Gonzales na ang suspek ay magiging “perpetuall­y banned” at maba-blacklist na sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), kaya hindi na ito pahihintul­utan pang magmanaho ng anumang pampasaher­ong sasakyan.

“We will conduct further investigat­ion internally and see if the operator has any liability. Grab will not take things like this lightly. The safety of our passengers and drivers is of uttermost importance,” sabi ni Gonzales.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines