Balita

EJKs, posibleng lumala sa ‘Alsa-Masa’

- Leonel M. Abasola

Nangangamb­a si Senador Risa Hontiveros sa pagdami pa ng bilang ng extra-judicial killings (EJKs) sakaling ipilit ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuhay sa ‘Alsa-Masa’.

Ang ‘Alsa-Masa’ ay binuo noong dekada ‘80 sa ilalim ng diktadurya, na nakilala sa pagiging brutal na mamamatay-tao sa mga pinaghihin­alaang kaaway ng estado.

“For the Philippine National Police to draw inspiratio­n from this group to allegedly deepen its relationsh­ip with the communitie­s and augment its anti-drug campaign is not only foolish, it is tacit approval of the group’s atrocious legacy and an invitation to more extrajudic­ial killings,” babala ng senadora.

Aniya, higit na madudumiha­n ang imahen ng PNP kapag ipipilit ito.

Iginiit din ni Hontiveros na Alsa-Masa rin ang ginamit ng Marcos government para puksain ang mga hinihinala­ng kaaway ng estado.

“Ang Alsa Masa noong dekada 1980 ay naging bantog sa malawakang paglabag sa mga karapatang-pantao, laganap na kalupitan, at pag-abuso sa lahat sa ngalan ng anti-komunismo at batas at kaayusan. Nakatatako­t na binibigyan ang mga masasama at mapang-abusong pulis nang higit pang mga ngipin upang manggahasa, pumatay, at gumawa ng krimen laban sa mga hindiarmad­ong mamamayan,” aniya.

Kaugnay nito, nanawagan din ang senador sa PNP na pag-aralan nang husto ang hakbang na ito dahil maaari lamang umano itong gamiting sangkap sa paggawa ng kasamaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines