Balita

PH-China paiigtingi­n pa sa state visit ni Xi Jinping ngayon

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at ROY C. MABASA

Inihanda na kahapon ang mga bandila ng China, mga tent, at monobloc na upuan para sa mga Pinoy at Chinese media, sa loob ng Malacañang compound kahapon.

Ito kaugnay ng pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ngayong Martes para sa isang makasaysay­ang state visit sa Pilipinas.

Ngayong araw inaasahang darating sa bansa si Xi para sa dalawang araw na pagbisita mula sa kanyang pagdalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Papua New Guinea.

Ito na ang unang pagkakatao­ng bibisita sa Pilipinas ang isang Chinese president sa nakalipas na 13 taon.

Pagdating pa lang sa bansa ay kaagad na magtutungo si Xi sa Rizal Park sa Maynila upang mag-alay ng bulaklak bago magtungo sa Malacañang kung saan ito sasalubung­in ng mga opisyal ng pamahalaan.

Pipirma muna si Xi sa nakalaang guest book ng Palasyo bago ito magkaroon ng pagkakatao­n ang mga mamamahaya­g na kunan siya ng litrato sa kanyang bilateral meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago sumapit ang gabi, sasaksihan nina Xi at Duterte ang isasagawan­g pirmahan o palitan ng kasunduan sa pagitan ng mga gobyerno ng China at Pilipinas.

Pagkatapos nito, magbibigay sila ng joint press statement.

Itinakda rin ang restricted meeting at palitan ng regalo kinagabiha­n sa idaraos na State Banquet, kung saan inaasahang magtatalum­pati ang dalawang lider ng dalawang bansa.

Kinabukasa­n (Miyerkules) ay makikipagk­ita naman si Xi kina

Senate President Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Taguig City.

Makikipagp­ulong din si Xi sa grupo ng mga lider ng Filipino-Chinese Community bago ito umalis ng bansa pabalik ng China, kinahapuna­n.

Kaugnay nito, magkakaroo­n din ng komprehens­ibong talakayan sina Xi at Duterte kaugnay ng major goals ng mga ito upang maiangat pa ang relasyon ng Manila at ng Beijing.

“I am visiting this time mainly to have in-depth discussion­s with President Duterte on how to elevate our all-round cooperatio­n under new circumstan­ces and make overall plan for greater progress in our relationsh­ip toward a higher level. There are a number of things we need to do if we are to achieve this goal,” bahagi ng pahayag ni Xi na inilabas ng Chinese Embassy sa Maynila, kahapon.

 ?? ALI VICOY ?? SUBOK MUNA Nagsagawa kahapon ng dry run para sa convoy ni Chinese President Xi Jinping sa Ayala Bridge sa Maynila, kaugnay ng pagdating ng opisyal sa Pilipinas ngayong Martes para sa state visit.
ALI VICOY SUBOK MUNA Nagsagawa kahapon ng dry run para sa convoy ni Chinese President Xi Jinping sa Ayala Bridge sa Maynila, kaugnay ng pagdating ng opisyal sa Pilipinas ngayong Martes para sa state visit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines