Balita

10-anyos, sugatan sa ligaw na bala

- Orly L. Barcala

Sugatan ang isang babaeng Grade 3 pupil nang tamaan ng ligaw na bala habang sa loob naman ng presinto inaresto ang isa sa dalawang suspek sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Nakaratay ngayon sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang 10-anyos na babaeng taga-Bagong Silang, Barangay 176, dahil sa tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanang hita.

Sa loob naman ng presinto inaresto si Maricar Cabahug, 30, ng Bgy. 176, habang pinaghahan­ap pa ang kasamahan niyang si Jon-Jon Villajos, 30 anyos.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang magasawang Dino Brazil, 35; at Maricri Brazil, sa Bagong Silang nang makasalubo­ng ang mga suspek, na matagal na nilang kaalitan, hanggang sa magkasagut­an sila.

Sinabihan umano ni Cabahug ang magasawa na “babalikan namin kayo, papatayin namin kayo”.

Walang sabi-sabi, bumunot umano si Villajos ng dalang baril at pinaputuka­n ang mag-asawa, pero hindi tinamaan ang mga ito, at sa halip ay nasapol ng ligaw na bala ang paslit, na noon ay naglalakad sa lugar.

Tumakas ang mga suspek, pero dumiretso sa presinto si Cabahug para ireklamo ang mag-asawang Brazil, at iginiit sa mga pulis na ginulpi siya ng mga ito.

Nang dumating ang mga imbestigad­or sa presinto galing sa pinangyari­han ng pamamaril, nalaman nilang si Cabahug ang kasama ng tumakas na si Villajos kaya inaresto ito.

Nahaharap ang mga suspek sa frustrated homicide na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines