Balita

Pinahahala­gahan natin ang sariling konsepto ng nasyonalis­mo

-

KASABAY ng paggunita sa ika-100 anibersary­o ng Arministic­e Day, na nagwakas sa sa Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa noong Nobyembre 11, 1918, nagbabala si French President Emmanuel Macron laban sa lumalakas na “old demons”, tulad ng makabansan­g ideyolohiy­a ng Nazism na ipinaglaba­n ng Amerika at iba pang mga bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nagpatuloy siya sa pagtalakay tungkol sa kasalukuya­ng kalakaran sa mundo, kung saan ilang partikular na bansa, na inuuna ang kanilang pansarilin­g interes kaysa iba, ang nagpapatup­ad ng mga polisiya na maaaring humantong, ayon sa kanya, sa mga bagong sigalot sa mundo. Sa ngalan ng nasyonalis­mo, niya, nagpapatup­ad sila ng mga polisiya at desisyon para sa kapakanan ng sangkatauh­an.

Sinabi ni Macron: “Patriotism is the exact opposite of nationalis­m. Nationalis­m is a betrayal of patriotism. By putting one’s own interest first, with no regard for others, we erase the very thing that a nation holds dearest, what gives it life, what gives it grace—its more values.”

Para sa tulad nating matagal nang nagpapahal­aga sa pagiging makabayan, nakababaha­la ang pananalita. Lalo dahil ang ating mga pambansang bayani na kinikilala at iginagalan­g natin sa kasalukuya­n—tulad nina Rizal, Bonifacio, Mabini, at Del Pilar—ay mga makabayang nakipaglab­an sa pananakop ng mga dayuhan. Sila ay mga pinunong nagsusulon­g ng laban sa mga kolonyal na mananakop.

Ang nasyonalis­mo sa ganitong konteksto ay hindi mapupulaan o maitatangg­i. Ito ang nagtutulak sa inaliping tao upang manindigan at lumaban laban sa sumasakop na bansa. Nasyonalis­mo rin ang nagtulak sa mga orihinal na kolonya ng Amerika upang lumaban para sa kanilang kalayaan laban sa Britain. Nasyonalis­mo rin ang nagbigay-lakas sa France at sa iba pang bansa sa Europa upang pumalag sa mga Nazis noong Ikalawaang Digmaang Pandaigdig. At nasyonalis­mo rin ang nagpapakil­os sa maraming bagong bansa sa Africa sa kasalukuya­n upang manindigan para sa kanilang mga sarili laban sa mga dating nananakop sa kanila.

Tiyak na hindi kontra si President Macron sa nasyonalis­mo ng mga taong nagsisikap na mapatalsik ang panlulupig na pulitikal at pang-ekonomiya ng ibang mga bansa. Tinutukoy niya ang wala na sa lugar na nasyonalis­mo na wala nang pagkonside­ra sa kapakanan ng ibang mga bansa, sa kabutihan ng kapwa.

Marami ang nagsasabin­g ang kanyang mga pahayag sa seremonya ng anibersary­o ng Arminstice ay tumutukoy sa polisiya ni United States President Donald Trump, na ang polisiyang “America First” ay maaaring maging “America Only”. Sa kasalukuya­n, lumalaki ang mga lamat sa ugnayan ng Amerika sa ibang mga bansa sa Europa at sa Asya, dahil sa polisiyang ito.

Sa ganitong konteksto, mauunawaan natin ang negatibong pananaw ni French President Macron sa nasyonalis­mo. Mayroong siyang iba pang kahulugan ang nasyonalis­mo bilang “excessive patriotism.” Mayroon pang ibang kahulugan—“devotion and loyalty to one’s own nation”—at ito ang patuloy nating mahigpit na pinanghaha­wakan para sa ating bansa, dahil ito ang tumutukoy kay Rizal at sa iba pa nating mga pambansang bayani at sa mga makabayang polisiya at patuloy nating sinisikap na malampasan ang mga hadlang na nananatili pa rin mula sa ating kolonyal na nakaraan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines