Balita

Dalawang mukha

- Bert de Guzman

DALAWA ang mukha ng buhay. Ang isa ay masaya. Ang isa ay malungkot. Sa Pilipinas, dalawa rin ang mukha ng hustisya. Ang isa ay hustisyang­pangmayama­n. Ang pangalawa ay hustisyang-pangmahira­p.

Sumulpot ang ganitong paglalaraw­an sa uri (o mukha) ng hustisya ng ating bansa bunsod ng kasong graft o katiwalian laban kay ex-First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos. Ang 89-anyos na dating Unang Ginang ay hinatulang nagkasala ng Sandiganba­yan kaugnay ng umano’y $200 million na inilipat niya sa Swiss banks noong siya ang Metro Manila Governor.

Si Mrs. Marcos ay pinayagang magpiyansa ng hukuman kahit nagisyu na ng arrest warrant laban sa kanya dahil sa hindi niya pagdalo sa promulgasy­on ng hatol noong nakaraang Biyernes. Katwiran niya, hindi niya alam na noon pala ang promulgasy­on. Sa araw na iyon, may balitang nasa birthday party siya ng anak na si Gov. Imee Marcos.

Kung sa ibang tao raw na walang pera at impluwensi­ya nangyari ito, tiyak na darakpin at poposasan agad ng mga pulis ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde at ikukulong. Wala na ngayong problema si Albayalde kung aarestuhin at poposasan si Mrs. Marcos. Sinagip siya ng Sandiganba­yan.

Sa isa pang uri (o mukha) ng katarungan sa ‘Pinas, kapag ang isang tao ay kaalyado at kaibigan ng Malacañang, malimit pagbigyan ang kahilingan na makalayang pansamanta­la. Pero kung siya ay kritiko at kalaban ng powers-that-be, manigas ka sa kulungan.

‘Di ba ganito ang nangyari kay Sen. Leila de Lima, na ‘di pinayagang makalabas pansamanta­la para dumalo sa graduation ng kanyang anak? Noon, si ex-Sen. Jinggoy Estrada ay pinayagang makalabas. Maging si exSen. Bong Revilla ay pinapayaga­ng makalabas para bisitahin ang ama sa ospital.

Bakit hindi pinayagan si De Lima, subalit pinayagan sina Estrada at Revilla? May hinalang takot ang mga hukom na kapag pinayagan nilang makalabas si De Lima, baka pagalitan sila ng Palasyo. Pero maliwanag naman ang batas, hindi puwedeng makialam ang Ehekutibo sa Hudikatura. Hindi nakikialam ang Palasyo sa gawain ng hudikatura, ‘di ba, Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo?

oOo Inamin ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na kahit dalawang beses nang pinalawig ang martial law sa Mindanao, hindi pa rin nila ganap na malulutas ang problema sa terorismo roon. Patuloy sa pananalaka­y ang New People’s Army (NPA). Patuloy sa paghahasik ng karahasan, pagkidnap, pagpatay ang Abu Sayyaf Group at Maute Group, na parehong kaalyado ng ISIS.

Mismong si AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez ang umamin nito kasabay ang pahiwatig noong Biyernes sa panibagong extension ng martial law sa Katimugan. Maging ang PNP ay nagpapahiw­atig na irerekomen­da nila sa ating Pangulo na palawigin pa ang batas-militar sa Mindanao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines