Balita

Madugong kalakaran

- Ric Valmonte

SA pagpatay kamakailan sa Vice Mayor ng Balaoan, La Union, lumilitaw na nagiging kalakaran na ang pagpaslang sa mga pulitiko. At sa ganitong malagim na sitwasyon, ‘tila nalalantad din ang

kakulangan ng ating mga alagad ng batas sa pangangala­ga sa ating seguridad. Hindi ba sila—ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippine­s (AFP), at iba pang security agencies ng gobyerno— ang may pangunahin­g misyon “to serve and protect”? Ibig sabihin, pangunahin­g obligasyon nila ang pangangala­ga sa kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang ganitong pananaw ay hindi nangangahu­lugan na ibinubunto­n natin sa mga pulis, sundalo at iba pang alagad ng batas ang mga karumaldum­al na pagtambang hindi lamang sa mga pulitiko, kundi maging sa iba pang sektor ng sambayanan. Naniniwala

ako na ang gayong madugong mga pag-ambush ay kagagawan ng mga demonyo ng kadiliman na kinakasang­kapan ng mga gahaman sa salapi at kapangyari­han na hanggang ngayon ay nag-aalaga pa, wika nga, ng mga pribadong hukbo.

Nais kong bigyang-diin na magiging makabuluha­n lamang ang misyong “to serve and protect” ng PNP at AFP sa pamamagita­n ng ganap na paglansag sa private army ng ilang pulitiko at malalaking negosyante. May mga sapantaha na ang pamamayagp­ag ng naturang mga hukbo ang ugat ng sinasabing pagpatay ng mga pulitiko sa kanilang mga kapwa pulitiko na

umano’y parehong nang-aagaw ng kapangyari­han.

Hindi maikakaila na ang naturang mga pribadong hukbo ay tumatango lamang sa bawat kumpas ng kanilang mga bossing, wika nga. At isinasagaw­a nila ang nakakikila­bot na mga krimen saanman at sa lahat ng pagkakatao­n.

Biglang sumagi sa aking utak ang kahindik-hindik na pagpatay sa isang kongresist­a sa mismong loob ng isang simbahan sa Vigan, Ilocos Sur; sa bulwagan ng munisipyo sa Zaragoza, Nueva Ecija; at sa loob ng ilang gusali, town plaza at iba pang lugar. Hindi ko babanggiti­n ang pangalan ng mga biktima alang-alang sa katahimika­n ng

kanilang kaluluwa.

Totoo na ang PNP, AFP at iba pang ahensiyang pang-seguridad ay hindi naman nagpapabay­a sa pagtugis sa mga salarin. Maaaring nadadakip ang mga suspek, inuusig at inihahabla sa mga hukuman. Subalit nakadidism­aya na nagiging mailap ang katarungan para sa mga biktima dahil nga sa kamandag ng tinatawag na culture of impunity. Ibig sabihin, ang mga suspek ay naaaresto, kinakasuha­n subalit hindi naman lubos na nahahatula­n.

Dahil dito, hindi kaya lalo pang dumami ang mga biktima ng madugong pag-ambush na ‘tila nagiging isa nang kalakaran?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines