Balita

Eddie Gutierrez, swabe noon hanggang ngayon—Dingdong

- Nitz Miralles

ANG gandang basahin ng kuwento ni Dingdong Dantes tungkol kina Eddie Gutierrez at Dina Bonnevie na gumaganap bilang kanyang ama at stepmother sa Cain at Abel.

Heto ang sabi ni Dingdong kay Eddie: “Manghang-mangha ako tuwing nagkukwent­o si Tito Eddie Gutierrez tungkol sa napakarami­ng pelikulang nagawa niya, at mga paksa sa buhay na talaga namang kailangang marinig naming mga nakababata­ng artista. Swabeng swabe mula noon, hanggang ngayon. Siya ang gaganap na aking ama sa #CainAtAbel.

Para naman kay Dina, heto ang sinabi ni Dingdong: “When i started out in television during the late 90’s i’d frequent this very popular talk show of Ms. D called...Ms. D. Many exciting youthful topics were revealed back then, and i am excitd to share the screen with her again - this time, as her stepson that always gets into her nerves.”

Samantala, nabanggit ni Eddie na nagpasalam­at siya sa gesture ni Dingdong dahil tinawagan daw nito ang anak niyang si Richard Gutierrez nang malamang naaksident­e siya. Kinumusta ni Dingdong kay Richard si Eddie na natumba dahil na-twist ang binti habang kumakanta sa isang event ni President Rodrigo Duterte. Dahil doon ay bumagsak ang beteranong aktor sa stage, dahilan para maoperahan at lagyan ng titanium ang kaliwang tuhod.

Anyway, nagsimula na ang airing ng Cain at Abel kagabi at mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7. Action-drama ang genre nito, magiging magkalaban ang magkapatid na na sina Dingdong at Dennis Trillo, na bata pa nang magkahiwal­ay ng landas.

 ??  ?? Eddie at Dingdong
Eddie at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines