Balita

Ronnie Henares, corrupt politician sa ‘Cain at Abel’

- Ni MERCY LEJARDE

MEATY ang role ni Ronnie Henares sa pinakabago­ng Kapuso serye na Cain at Abel na pinagbibid­ahan nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes, na magsisimul­a na ngayong araw. Gaganap siya bilang si Gener na erpat ni Solenn Heussaff na gaganap sa karakter ni Abigail. Isa siyang corrupt na governor.

“Masamang tao ako dito. Hindi nakakatuwa. Totoong masamang tao talaga na nang-aapi. Happy naman ako sa lahat ng projects ko dito sa GMA7.

Pepito Manaloto, Bubble Gang, The Cure, pero itong

Cain at Abel, iba eh. Iba ang dating. Happy ako sa lahat and feel so blessed,” hirit ni Ronnie kay yours truly.

So ang kailangan na lang pala ay magkaroon sila ng project ni Vilma Santos?

“Aabangan ko ‘yan. Mercy, aabangan ko yan,” natatawa pang sabi ng aktor.

Sinabi ni Yours Truly kay Ronnie: “Hindi ko malilimuta­n’ yung inyong nakaraang relasyon ni Vi, ha! “Ako rin. Hindi ko makakalimu­tan.”

Nag-throwback na rin lang, anong year niya pinagselos­an sina Romeo Vasquez (SLN) at Da King Fernando Poe Jr. (SLN) na naging dahilan ng hiwalayan nila ni Vilma?

“Wow, ‘yung kami dalawa ni Vi? Nakalimuta­n ko na ‘yung taon, eh. ‘Yun ‘yung du’n pa sila nakatira (Vilma) sa Dasma Village na kalapit lang ng bahay namin noon. ‘Yung bahay nila noon nasa likod lang ng bahay namin, eh.”

Umabot ng ilang years ang pagiging mag-on nila ni Vilma?

“Mga isang taon. Wala pa siyang asawa noon. Pareho kaming single pa noon. Medyo bagets pa.”

Sino ba talaga ang pinagselos­an niya noon kaya sila nag-break ni Vi, si Romeo or si FPJ?

“Actually pareho lang, eh. Hindi ko naman talaga napansin nu’ng una na may iba na siya. Nagseselos lang nang konti. Alam mo naman ang show business, eh, show business ‘yan.”

Nanghihina­yang ba siya at hindi sila nagkatuluy­an ni Vilma?

“Konti rin. Pero masaya naman na siya ngayon sa love life niya kay Sen. Ralph Recto at ako naman din masaya na rin sa naging wife ko at sa pamilya ko. I just wish her the best at sana nga lumawig pa ang hatak niya sa kanyang political career. Malay natin maging presidente rin siya ng ating bansa. She’s a good leader naman, eh.”

 ??  ?? Ronnie
Ronnie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines