Balita

John Legend: Kanye has been seduced by Trump’s persona

-

NANINIWALA si John Legend na si Kanye West ay “na-seduce” ng personal brand ni President Donald Trump, ayon sa Cover Media.

Ang All of Me hitmaker ay matinik na kritiko ng mga polisiya ng U.S. leader lalo na sa isyu ng immigratio­n, na sinangayun­an naman ng kaibigan niyang si Kanye at ipinakita pa nga nito ang pagsuporta sa naturang patakaran sa pamamagita­n ng pagsusuot ng Make America Great Again hat ni Trump, isinapubli­ko rin niya kung gaano niya “love” ang Pangulo sa pagpupulon­g na ginanap sa Oval Office sa White House.

“Yeah. It’s all very disconcert­ing,” sagot ng Oscar-winner nang tanungin ng Heat magazine tungkol sa Gold Digger hitmaker. “I think the bottom line is, Kanye’s been seduced by the marketing appeal, the persona of Trump that reminds him so much of himself.”

Ipinaliwan­ag ng 39-anyos na singer na hindi siya sigurado kung naiintindi­han ni Kanye “what Trump’s policies are”.

“I think he sees a lot of himself in Trump, and he admires that. And it’s unfortunat­e,” dagdag pa ni John.

Ilang taon nang magkaibiga­n sina John at Kanye, na nagsimula pa noong tinulungan ng huli ang una sa kanyang unang record deal noong 2004.

Gayunman, hindi ito naging hadlang para sabihin niya sa 41-anyos na rapper, na kasal kay Kim Kardashian at dati nang nagpahayag na mayroon siyang bipolar disorder, kung ano ang opinyon niya tungkol sa pagsuporta ni Kanye kay Trump.

Nitong taon, nagkainita­n ang dalawa sa private text exchange, na ipinost ni Kanye online nang walang permiso ni John.

“Clearly I disagreed with some of the things he (Kanye) was saying, and I was worried that his saying it might empower some of the wrong forces, might be really demoralisi­ng for people who looked up to him and thought of him as a leader,” paliwanag ni John nang kapanayami­n ng WSJ. Magazine noong Hunyo.

“My point to him was that when you wear that hat, when you appear to be endorsing him (Trump), you’re endorsing his policies as well, all of his rhetoric and not just the parts you like.”

 ??  ?? John
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines