Balita

Pablo Ferro, pumanaw na

-

PUMANAW na si Pablo Ferro, ang legendary designer ng title sequences para sa mga classic films gaya ng Dr. Strangelov­e ni Stanley Kubrick, Bullitt, Men In Black, at A Clockwork Orange, dahil sa mga kumplikasy­on ng pneumonia, sa Sedona, Arizona. Siya ay 83 taong gulang.

Kinumpirma ng pamilya ni Pablo ang balita sa industry publicatio­n na Art of the Title, ayon sa Variety.

Ang unang title sequence ng Cuban-born para sa Dr. Strangelov­e, ay idinisenyo sa sulat kamay na mga letra gamit ang grease pencil sa salamin. Ang isa pang notable title sequences ay para sa The Thomas Crowne Affair noong 1968, na idinirehe ni Norman Jewison.

Si Pablo, na isinilang sa bukirin ng Antilla at lumipat sa New York noong kanyang kabataan, ay nagsimulan­g maging illustrato­r para sa Atlas Comics at nakipagtra­baho rin siya kay Stan Lee para sa series ng science fiction adventure comics.

Mula noon, nakatangga­p siya ng trabaho sa Academy Pictures, hanggang sa maging isang animator para sa kumpanya, bago pa siya lumipat para magtrabaho naman sa Elektra Films para sa mga sopistikad­ang commercial­s.

Noong 1961, itinatag ni Pablo ang grupong Ferro, Mogubgub at Schwartz, na nasa likod ng mga kilalang commercial­s, kasama sina Fred Mogubgub at Lew Schwartz.

Itinatag niya ang Pablo Ferro Films noong 1964.

Ipinaliwan­ag ni Pablo kung paano niya naisip ang opening sequences para sa Dr. Strangelov­e sa feature interview para sa Art of the Title.

“The titles for Strangelov­e were last-minute; I didn’t have much time to produce it. It came up because of a conversati­on between Stanley and I,” sabi ni Pablo. “Two weeks after I finished with everything, he and I were talking. He asked me what I thought about human beings. I said one thing about human beings is that everything that is mechanical, that is invented, is very sexual. We looked at each other and realized — the B-52, refueling in mid-air, of course, how much more sexual can you get?! He loved the idea. He wanted to shoot it with models we had, but I said let me take a look at the stock footage, I am sure that (the makers of those planes) are very proud of what they did and, sure enough, they had shot the plane from every possible angle.”

Kilala rin siya bilang ang lumikha ng unang kulay ng NBC Peacock noong late 1950s habang nagtatraba­ho siya sa Elektra. Naging bahagi siya ng siyam na pelikula sa ilalim ng direktor na si Jonathan Demme, kabilang ang Stop Making Sense, Philadelph­ia, at Married to the Mob.

Ipinagpatu­loy niya ang pagdidisen­yo hanggang noong ’90s, at siya rin ang gumawa ng title sequences para sa Good Will Hunting ng Gus van Sant, L.A. Confidenti­al, at ang unang

Men In Black. Malapit silang magkakaibi­gan nina Hal Ashby, at kasama rin siya sa pelikula nitong Harold and Maude, Bound for Glory, at

Being There.

Labindalaw­a sa mga pelikula na pinagtraba­huhan ni Pablo ay nagwagi ng Oscars. Ilang beses ding nanalo si Pablo ng Clios sa kanyang career, nakatangga­p din siya ng DGA Excellence in Film award, at itinalaga sa Art Directors Hall of Fame noong 2000.

 ??  ?? Pablo
Pablo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines