Balita

De Liano, UAAP POW

- Marivic Awitan

TAGLAY ang markang 3-5, sa kalagitnaa ng laban ng UAAP Season 81 men's basketball tournament, ipinaubaya ng University of the Philippine­s Fighting Maroons ang pamumuno sa kanilang opensa sa mahusay nilang playmaker na si Juan Gomez de Liano.

Mula roon, nagtala sila ng limang panalo sa sumunod na anim na laro upang sa unang pagkakatao­n ay makatunton­g ng Final Four round pagkalipas ng 21 taon.

Ang sophomore standout na nagdiwang ng kanyang ika19- na taon ang gumawa ng mga crucial plays sa mga nagdaang mga laro ng UP, pinakahuli ang crucial game nila noong nakalipas na Miyerkules kontra La Salle kung saan pinaglaban­an nila ang third-seed.

Nag-ambag ang Season 80 Rookie of the Year ng 27 puntos, 4 na assists, at 3 rebounds.

Dahil sa kanyang naging effort, napili siyang Chooksto-Go Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Para kay De Liaño, lahat ito ay pawang pagtupad lamang sa kanyang ipinangako.

“I said offseason pa lang that we’re gonna make it to the Final Four. I promised coach Bo [Perasol], I promised everybody that we’ll be here, and now we’re here, we’re not taking it for granted,” ani De Liaño.

Ngunit, para sa sophomore guard, hindi sila dapat makuntento sa kanilang naabot.“On to the next one still. Now we’re in the Final Four, we’re still hungry for the Finals.".

Inungusan niya para sa lingguhang citation ang kanyang kapatid na si Javi, gayundin ang mga kakamping sina Bright Akhuetie, ang Ateneo pair nina Angelo Kouame at William Navarro, at NU big man Troy Rike.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines