Balita

Barbon-Eslapor, angat sa BVR Tour

-

DUMAGUETE CITY – Maagang nagparamda­m ng lakas ang tambalan nina Babylove Barbon at Genesa Eslapor nang pabagsakin ang liyamdong sina Charo Soriano at Bea Tan, 21-17, 21-17, sa pagsisimul­a ng Beach Volleyball Republic On Tour Dumaguete leg nitong Lunes sa Rizal Boulevard sand court dito.

Gamit ang bilis at diskarte sa kabuuan ng sand court, nagawang madomina nina Barbon at Eslapor, reigning UAAP titleholde­r mula sa University of Santo Tomas, ang tambalan ng beteranang karibal sa dinumog na laro na sinaksihan ni Dumaguete Mayor Felipe Antonio Remollo.

Naging bentahe rin sa dalawa ang pagiging pamilyar sa venue kung saan naging tagumpay din sila sa ginanap na 23rd Philippine University Games championsh­ip sa nakalipas na buwan.

Sa men’s division, nakauna rin sina dating UAAP champions KR Guzman at Krung Arbasto ng Tiger Wings matapis pabagsakin ang tambalan nina Deanne Neil Depedro at Harold Parcia ng USLS sa Group B.

Sa naging pagtanggap ng local crowd, ipinapalag­ay ng organizers na gawing regular na venue ang Dumaguete saBVR calendar sa 2019.

"Having tournament­s in Dumaguete will really boost the developmen­t of beach volleyball in this area," pahayag ni Philippine University Games president Roger Banzuela.

"We like to thank Beach Volleyball Republic founders Bea (Tan) and Charo (Soriano). They have done a good job in promoting the sport in our country," aniya.

Sa Group A, nagwagi sina Samaa Miyagawa ng Japan at Tin Lai ng Hong Kong kontra Cebu's Dij Rodriguez at Dannah Jimenez, 21-8, 21-9.

Sa iba pang women's match, naugunsan nina Dzi Gervacio at Jen Acain, ang tambalan nina Dipolog's Angelina Damas and Grace Barrica, 21-16, 21-6, sa A, habang nagwagi ang tambalan nina Mahriz Cosain at Bianca Lizares ng USLS sina Jennymar Senares at Jennifer Cosas ng Bacolod, 23-21, 21-13, sa Group B. Namayani rin sina Erjane Magdato at Alexa Polidario ng UNO-R pinned Dipolog, 21-2, 21-10.

Nagwagi naman sina Efraim Dimaculang­an at Rancel Vergara ng UST kontra Simon Aguillon at Ralph Savellano ng Bacolod, 21-12, 28-26, sa Group A.

 ??  ?? MAAGANG nagparamda­m si newly-crowned UAAP champion Babylove Barbon sa Beach Volleyball Republic on Tour Dumaguete leg.
MAAGANG nagparamda­m si newly-crowned UAAP champion Babylove Barbon sa Beach Volleyball Republic on Tour Dumaguete leg.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines