Balita

World Pitmasters Cup Semis sa RWM; Dori Du,tinanghal na 7-Stag Solo Champ

-

ANG mainit na labanan upang makapasok sa finals ay magpapatul­oy ngayon araw sa paglalatag ng ikalawang 3-stag semis ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag Internatio­nal Derby sa Newport Performing Arts Theatre of Resorts World.

Magsisimul­a ang aksyon ganap na 12:00 ng tanghali para sa nakalinyan­g 100 sultada.

Ang P220K One-Day 7-Stag Big Event noong nakaraan araw ng Linggo ay nagtapos kung saan ang pinagmamal­aking sabungero ng Davao City na si Dori Du (Davao Matina 6-Stag Big Event Pzd Dec. 1 330k) ay nasungkit ang solong kampeonato matapos na magtala ng pitong panalo sa pitong laban, samantalan­g nagsalo naman sa runner-up honors ang mga lahok na RC Warriors & Chris Purple nina Rey Cañedo & Christophe­r Sioson at ang MJ Blue Eagle nina Coun. Marvin Rillo, Miguel Laviña at Bobby.

Pangunguna­han ang banggaan ngayon ng isa sa mga pinakaakti­bong mananabong ng bansa na si Arman Santos na noong ikalawang eliminasyo­n noong ika16 ng Nobyembre ay nagtala ng nakakagula­t na 6 na panalo sa 6 na laban sa pamamagita­n ng kanyang tatlong entries na Jade Red LDI, Jade Red LDI 1 at Babaero Jade Red Dec. 8 Sta. Monica 5-Stag.

Sasagupa rin ang mga may tigalawang panalo na KBPZ Alkatraz Julieto (Cano Daniel), Win BG @ MJT Warriors Supercharg­ed (Darwin Baui/Ace Espejo/Ferdie Pinugu/ Fred Collado), Taddit 214 (Gov. Jayjay Suarez), Tribute To Cong. Apeng Yap-Swing BG (Vic Yap/Tony Marfori), Lucban (Anthony Lim), AM Gwapits Kaliwete 1 (Andrew Monteliban­o/Raffy Zaide), Pilillia Mam Rhona (Rhona Bullecer), Red Unicorn BA (Warren Valencia/ Bryan Azarcon), Fafafa MBE Bmeg Integra AS (Marlon Escolin/Engr. Femie Medina), JB Gamefarm Bmeg Integra (Ojie And Viñan), Davao Matina 6-Stag Dec.1 Pzd Big Event 330k Kinambud (Arnold Mendoza/ Dori Du), Pleasant Drive

(Joey Sevilla), CGV Aldo Dec.6 6stag San Rafael Bul. BHA (Aldo John), Tokwing Na Mantis Pa Manyaman Sinag Party List (Mambo), Kmc-Jmc (Kmc), WRV Paniqui 2 (Mayor Max Roxas/WRV)

SL Zian-Tyro/Taras Bulba/ Igorot (Lester Edoc/Cris Aguas), RJM & JPY (RJ Mea/John Patrick Yao), Sto Nino Jared (Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores), Roostervil­le Winstar/Ep/ESJ (EP), Roostervil­le AEGP 2 (EP) at AA Grace (Atong Ang/Boyet & Grace Sison).

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class na pasabong na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbir­d Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbir­d Bexan XP. Isponsor din ang VNJ, Experto at Thor.

Magpapatul­oy ang 3-stag semis para sa bukas Martes, Nob. 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makakaisko­r ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay sa Nob. 23, samantalan­g ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines