Balita

PetroGazz, sumabit sa Final Four

- Marivic Awitan

NAKOPO ng PetroGazz ang huling Final Four seat matapos gapiin ang Adamson-Akari, 25-21, 25-9, 25-15, nitong Linggo sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Naka recover mula sa kanilang "flat" na panimula upang makamit ang ikatlong sunod na panalo na nag-angat sa kanila sa markang 8-5 na nagpanatil­ing winless sa Lady Falcons.

Dahil sa panalo, humanay ang PetroGazz sa mga naunang semifinali­sts BanKo (10-3), AteneoMoto­lite (10-4) at Creamline (9-3) sa Final Four.

Naunang tinalo ng tropa ni coach Jerry Yee ang Ateneo -Motolite noong Sabado.

Dahil sa panalo, ganap namang pinatalsik ng Angels ang Pocari Sweat-Air Force, na sa unang pagkakatao­n ay hindi umabot ng semis mula ng sumali sila sa liga.

Nanguna para sa Angels si Jessey de Leon na may 14 puntos kasunod si Cherry Nunag at Alyssa Layug na may 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasun­od.

Ang Lady Falcons na naglarong wala sina Bernadette Flora (back spasm) at Lea Anne Perez (ankle sprain) ay nalasap ang kanilang ika-12 sunod na pagkatalo.

Wala namang Adamson-Akari player ang nakaiskor ng double figure.

Nanguna sa kanila si rookie Trisha Genesis na may 6 na puntos.

Nauna rito, nagwagi ang Lady Warriors kontra Iriga-Navy, 25-23, 25-20, 25-20.

Umangat sila sa barahang 6-7, panalo-talo kasalo ng Tacloban ngunit bigo ring umusad ng semis dahil sa panalo ng PetroGazz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines