Balita

Nuguit at Emana, kampeon sa PCA Open

-

NAKAMIT ni Sherwin Ray Nuguit ang unang age group career event sa PCA Open nang gapiin si Gerald Gimeda ng Ormoc City, 6-1, 4-6, 6-3, sa 12-and-under boys' title nitong weekend sa Philippine Columbian Tennis Courts sa Plaza Dilao, Paco.

Umusad sa championsh­ip round si Nuguit, winner sa10-under Unisex sa nakalipas na season, nang madomina si Joshua Diva 6-3, 6-0 sa semifinals. Nananig naman si Gimeda kontra top seed JR Costa, 6-4, 6-2.

Kaagad na nakuha ni Nuguit ang tempo ng laro para magaan na kunin ang first set. Matikas na naghabol si Nuguit sa second set nang maitabla ang iskor sa 4-all mula sa 1-4 paghahabol. Ngunit, nakaiwas si Gimeda sa posibleng straight set loss.

Sa deciding set, kapwa nagpamalas ng gilas ang magkaribal, ngunit naging mas matatag si Nuguit tungo sa panalo na tumagal nang halos dalawang oras.

Nakopo naman ni Kean Enriquez ang 10-under Unisex title matapos pasukuin si Kriz Roque Lim, 2-4, 4-1, 4-2.

Nakabawi naman si Kriz Lim sa pakikipagt­ambalan sa nakatatand­ang kapatid na si Prince para makamit ang 10-and-under doubles title kontra Kean Enriquez at Gavin Kraut, 8-6.

Sa girls' division, ginapi ni national team member Mika Ella Emana ng Sta. Mesa si second seed Angeline Alcala ng Lucena City, 6-4, 6-2, para sa 12and-under Girls title.

Ang PCA Open Age Group event ay magbabalik sa Nobyembre 23-26 para sa 14-under, 16-under at 18-under championsh­ips.

 ??  ?? NUGUIT: PCA age-group champion.
NUGUIT: PCA age-group champion.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines