Balita

Bright na, MVP pa!

- Marivic Awitan

KASUNOD ng matagumpay na pagrampa sa Final Four, tapik sa balikat ng University of the Philippine­s Maroons ang pagkapanal­o ng kanilang top player na si Bright Akhuetie sa pamosong MVP para sa UAAP Season 81.

Ito ang unang pagkakatao­n matapos ang 21 taon na nakatungto­ng sa Final Four ang UP at unang pagkakatao­n na isang Maroon ang magwagi ng season MVP mula nang tanghaling top player si Fort Acuna noong 1969.

Huling pagkakatao­n na may Fighting Maroon na nagwagi ng pinakamata­as na individual award ay noong 1986 nang tanghalin si Eric Altamirano na Finals MVP. Wala namang individual season awards na ipinamigay noong 1986.

Sa kabuuan, nakatipon si Akhuetie ng 82.50 Statistica­l Points (SPs) anim na puntos ang layo sa pinakamahi­gpit niyang katunggali na si Ateneo de Manila University rookie big man Angelo Kouame na may 76.21 SPs.

Ngunit, dahil sa ruling ng liga na isa lamang foreign player ang puwedeng mapasama sa Mythical Team, hindi makakasama dito si Kouame na siyang tinanghal na top rookie.

Makakasama sa Mythical selection ay sina Akhuetie, ang kanyang UP teammate na si Juan Gomez de Liano, University of the East top gun Alvin Pasaol, De La Salle University big man Justine Baltazar, at si Adamson University hotshot Jerrick Ahanmisi.

Sa kaugnay na kaganapan, unang pagkakatao­n sa loob ng limang taon, ngayon lamang magkakaroo­n ng season Most Valuable Player sa women's division na hindi manggagali­ng sa National University.

Ang University of Santo Tomas Growling Tigress Congolese center na si Grece Irebu ang tinanghal namang UAAP Season 81 Women’s Basketball MVP.

Si Irebu ang unang non-NU student-cager na nagwagi ng highest individual honors mula noong UAAP Season 76 kung saan nagwagi si Camille Sambile ng FEU.

Siya rin ang unang Growling Tigress sa loob ng 10 taon na nanalo ng MVP kasunod ni Marichu Bacaro noong 2008.

Nakatipon si Irebu ng kabuuang 80.57 Statistica­l Points upang maungusan si lat season MVP Jack Animam na may 79.71 SPs.

Kasama nina Irebu sa Mythical Team ang kakamping si Sai Larosa (76.07), Adamson standout Nathalia Prado (74.28), at Clare Castro (71.35) ng FEU.

Samantala, nahirang naman si Reynalyn Ferrer ng UST bilang top freshman matapos makatipon ng 48.92 SPs.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines