Balita

Ni-reformat na ‘ASAP,’ epic fail

- Ni DINDO M. BALARES

HINDI na kami nanonood ng

ASAP, pero sinubukan naming sumilip nitong nakaraang Linggo pagkatapos naming magpaligo ng mga aso, nang maalala ang writeups na ire-reformat na raw ito.

Nagbaka-sakali kaming hindi na boring.

Pero nagulat kami sa nabuksan naming wedding coverage. Inakala naming may mga artistang mainstay na ikinasal at binigyan ng impostansi­ya ng show, pero karaniwang mamamayan pala ang nobyo at nobya.

Nag-post kami sa Facebook ng “Anyare sa ASAP? Bakit may kasalan?”

Ipinaliwan­ag ng FB friends na sponsored pala ng ASAP ang kasal. Ito na raw ang bagong format ng show. May natuwa naman dahil hindi na raw mukhang peryahan. Dahil kasalan, solemn na nga naman.

Pero may nakapansin na pati abito ng pari, may logo ng ABSCBN. May nalungkot na hindi na 100% music concert experience ang

ASAP. May prangkang nagsabi ng, “Hindi click kung puro sila sponsor ng mga ikakasal or birthdays.”

Sabi namin, sana pati magkober na rin ng binyagan para kumpleto.

Siyempre, may nagyaya na makikain sa reception.

Ilang buwan nang inilalampa­so ang ASAP ng katapat na Sunday

Pinasaya ng GMA-7. Naging successful ang Siyete na ilayo sa kinasanaya­n nang format ang kanilang Sunday noontime show.

Ito rin siguro ang intensiyon ng Dos sa nire-reformat na ASAP, pero epic fail ang nangyari. Naging katawa-tawa na ang show.

Nagmukha itong programa ng maliit na cable channel.

Mahirap nang ibalik ang glory days ng ASAP. Nagbago na ang panahon at may iba nang pinagkakaa­balahan ang mga tao tuwing araw ng pahinga. Pero sana ay pag-isipan munang mabuti ng production ang kanilang ipapalabas sa mga susunod na linggo.

Mahusay ang production unit manager na namamahala sa ASAP, sana ay makabuo ang team niya ng mas worthwhile na Sunday noontime show.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines