Balita

Mickey Mouse, nagdiwang ng 90th birthday

-

NAGANAP iyon noong ‘20s. Nasa White House si Calvin Coolidge, kapapanalo lamang ng New York Yankees ng kanilang ikatlong World Series title at unang ipinakilal­a si Mickey Mouse sa publiko nang ipalabas sa silver screen.

Nitong Linggo, ipinagdiwa­ng ni Mickey

Mouse, ang brainchild ng cartoonist na si Walt Disney na naging simbolo ng global entertainm­ent empire, ang kanyang 90th birthday.

Ang career ng iconic na daga, na talaga namang madaling matukoy dahil sa silhouette ng malalaking bilog at dalawang maliliit na tenga, ay inilunsad sa Steamboat

Willie, sa New York’s Colony Theater noong Nobyembre 18, 1928.

Sa eight-minute-long, black-and-white cartoon, unang ipinakilal­a si Mickey na sakay sa isang steamboat habang inaaliw ang kanyang pasaherong si Minnie Mouse, sa pamamagita­n ng paggawa ng musical instrument­s mula sa mga gamit sa bangka, ayon sa IMDB.com.

Bumida rin si Mickey Mouse, na tinawag ng Walt Disney Co. global ambassador nito, sa Disney’s critically acclaimed 1942 animated film na Fantasia, at kalaunan ay inilunsad sa The Mickey Mouse

Club, ang 1950s television series na naging paborito ng American baby boom kids.

Ang kanyang imahe ay itinatak sa mga T-shirts, lunch box at relo, at ang telltale mouse ears ay isinusuot pa rin ng mga batang bumibisita sa Disney theme parks hanggang sa ngayon.

Upang markahan ang kanyang birthday ni Mickey Mouse, binuksan ng Disney ang 16,000-square-foot art exhibition sa Manhattan, na tinawag na Mickey: The True Original

Exhibition, kung saan tampok ang original art, larger-than-life photo ops at, of course, mga commemorat­ive merchandis­e. Ang exhibition ay bukas hanggang Pebrero 10.

 ??  ?? Mickey
Mickey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines